Cremation: Sinauna at makabagong kaugalian

Ang makabagong paraan ng pagsusunog ng bangkay o ang cremation.

Ngayong papalit ang Araw ng mga Patay, natural na may mga usaping nababagay lamang sa ganitong panahon – tulad ng cremation o pagsusunog ng bangkay.

Para sa ilan ang cremation ay pagpapalaya ng kaluluwa mula sa pisikal na katawan nito upang mapagpatuloy pa ang paglalakbay sa ibang mundo. Alamin natin ang kasaysayan nito…

Ang cremation, bilang isang paraan ng pagsusunog ng mga labi ng tao, ay may mayaman at iba’t ibang kasaysayan na nagsimula noon, libong taon na ang lumipas. May nagsasabing nagsimula ito noong 3,000 BC.

Sa sinaunang Greece at Rome, ang cremation ay naging isang karaniwang tinatanggap na kaugalian, na kadalasang nauugnay sa paniniwala sa kabilang buhay at ang kahalagahan ng pagpapalaya ng espiritu mula sa katawan. Ang Greek literature, tulad ng mga gawa ni Homer, ay sumasalamin sa kultural na kahalagahan ng cremation, kung saan ito ay nakita bilang isang marangal na paraan upang parangalan ang namatay. Pinagtibay din ng mga Romano ang kaugaliang ito, na isinasama ito sa kanilang mga ritwal sa paglilibing, na kinabibilangan ng mga detalyadong seremonya ng mga pagsusunog ng bangkay.

Ang Viking Age cremation sa panahon mula 800 hanggang 1050 AD. (Painting mula sa museum ng Lindholm-Høije, Denmark)

Sa unang pamamaraan ay nagsasalansan ng maraming mga kahoy saka ilalagay ang bangkay sa ibabaw nito. Kasabay ng pagtitipon ng mga pamilya ng pumanaw ay mga nagdarasal ang mga ito habang dahan-dahang paliliyabin ang mga kahoy hanggang sa masunog ang bangkay.

Sa pag-unlad ng panahon, ang katanyagan ng cremation ay nagbabago-bago sa iba’t ibang kultura at panahon. Sa panahon ng pag-usbong ng Kristiyanismo sa Europa, ang cremation ay hindi pabor, higit sa lahat ay dahil sa mga teolohikong paniniwala na nagbigay-diin sa muling pagkabuhay ng katawan. Ang damdaming ito ay nanatili sa loob ng maraming siglo, na ang pagsusunog ng bangkay ay madalas na tinitingnan nang may hinala at nauugnay sa mga paganong ritwal.

Ang isang traditional cremation sa Indonesia.

Ngayon, malawak na tinatanggap ang cremation sa maraming bahagi ng mundo, na sumasaklaw sa parehong sekular at relihiyosong konteksto, at nagpapakita ng mas malawak na pagbabago sa lipunan patungo sa personal na pagpili at pagpapanatili sa mga desisyon sa katapusan ng buhay.

 

Paano isinasagawa ang cremation?

May mga klase ng pagsusunog ng bangkay – ang flame-based cremation at alkaline hydrolysis.

Ang flame-based cremation ay ang pinaka-common sa funeral homes. Ginagamitan ito ng apoy at ng init nito para unti-unting maging bone fragments o abo ang bangkay na nasa cremator (makina).

Ang alkaline hydrolysis (water cremation o aquamation) ay gumagamit ng tubig, init, at alkaline chemicals gaya ng potassium hydroxide para maging bone fragments ang bangkay.

  • Kapag nadala na ang bangkay sa funeral home, kailangang masuri ito kabilang ang matsek nang maigi kung ito ay wala nang nakakabit na mga alahas, medical o iba pang personal items na maaaring makaantala sa proseso sa pagsusunog ng bangkay.
  • Susundan ito ng paglilipat ng katawan sa cremation container na saradong-sarado, walang leak, naka-fix, at sa huli ay dapat maging combustible ito o nasusunog.
  • Ang container na may bangkay sa loob ay dadalhin sa cremator unit at ipapasok sa primary chamber. Ang init sa loob nito para masunog ang bangkay ay mula 1400 hanggang 1800 degrees Fahrenheit.
  • Kapag natapos na ang cremation, ang cremated remains ay aalisin na sa cremator at ilalagay sa cooling tray.
  • Ilalagay ang cremated remains sa processor kung saan may blades upang ganap na maging pino o pulbo ang bone fragments hanggang sa ang bangkay ay maging 1/8” ang sukat.
  • Matapos nito, ang cremated remains ay ilalagay sa plastic bag o container habang hindi pa nakakapamili ng urn ang kapamilya ng pumanaw.
  • Kapag nasa urn na ang “abo” ay maaari nang iuwi ito ng pamilya o dalhin sa columbarium o kung saan man naisin.
Ang columbarium kung saan mayroon itong mga lagayan para sa mga urn na may “abo” ng mga yumao.

 

Trivia

* Ang sanggol na namatay mula nang isilang ay maaaring ma-cremate sa loob ng kalahating oras. Sa average na katawan ng tao, ang bangkay nito ay maaaring ma-cremate mula dalawa hanggang tatlong oras.

* Isang bangkay lamang ang kasya sa cremation chamber.

* Hindi naman talaga abo ang nakikita matapos na masunog ang bangkay. Tinawag lamang na ganoon dahil parang abo ang itsura. Walang abong napo-produce kapag nasunog ang bangkay.

* Ang Japan ang may pinakamaraming tala ng cremation, tinatayang 99% as of 2012. Original na practice ito ng monks bilang paggaya sa Buddha cremation.

* Maaari ring gawin ang cremation sa mga hayop.

* Maaari ring gawing opsyon na ilibing ang cremated remains o itabi sa ibang labi na nasa sementeryo.