COVID-19 cases sa Quezon City tumataas

Tumataas ngayon ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Quezon City dahilan upang ang lokal na pamahalaan ay maging alerto, at pinag-iingat ang mga residente nito.

Ayon sa pahayag, nasa 27 kaso ng COVID-19 ang average na naitatala kada araw sa lungsod (Disyembre 4-7) batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit.

Ayon pa sa ahensya, ang naturang bilang ay mas mataas ng 57.9% kumpara noong nakaraang linggo at may average positivity rate na 14.55%.

Sa naging huling tala noong Disyembre 7, may 186 active COVID-19 cases na ang Quezon City.

Pinapayuhan din ng lokal na pamahalaan na gawin ang self-precautionary measures gaya ng pagsuot ng face mask, mag-social distancing, at palagiang maghugas ng kamay. Gayundin, kung nakararanas ng sintomas ng COVID-19 ay manatiling nasa bahay o nasa indoor places upang hindi na makahawa ng iba. Higit na dapat gawin din ito ng matatanda at mahihina ang katawan.