Comelec: Voter registration para sa 2025 Midterm Elections simula na

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ang voter registration period para sa gaganaping 2025 Midterm Elections. Ang registration ay magtatapos sa Setyembre 30, 2024.

Ang registration ay magsisimula ng ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Ito ay mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays maliban sa Marso 28 hanggang Marso 30.

Ayon pa sa Comelec, nasa 170 malls sa buong bansa ang makikibahagi at magiging host sa Register Anywhere Project (RAP) para sa registration sa nasabing national at local elections.

Sa RAP, may Comelec at mall personnel ang gagabay sa mga magpaparehistro upang hindi mahirapan ang mga ito. Ang pagpaparehistro ay kayang magawa sa loob ng 10 minuto.

Ang RAP ay nakapaloob sa nilagdaang memorandum of agreement kung saan may partisipasyon ang Comelec at Filinvest Malls, SM Supermalls, Megaworld Lifestyle Malls, at Robinson Malls.

 

Sa mga hindi pa rehistradong botanteng mga Pilipino ang kinakailangan ay ang mga sumusunod:

– Nasa edad 18 sa petsa ng eleksyon

– Residente ng bansa na hindi bababa ng isang taon, gayundin sa lugar kung saan plano nilang bumoto ng hindi bababa sa anim na buwan bago ang halalan.

 

Sa pagpaparehistro, ito ang mga tinatanggap na valid ID:

  • National ID/PhilSys ID card
  • Postal ID card
  • Person With Disability ID card
  • Student’s ID card/Library card na may lagda ng school authority
  • Senior Citizen’s ID card
  • Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit
  • National Bureau of Investigation Clearance
  • Philippine Passport
  • Social Security System/Government Service Insurance System/Unified Multi-Purpose ID card
  • Professional Regulatory Commission License card
  • Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples
  • Barangay Identification/Certification na may litrato
  • Iba pang government-issued valid IDs

 

Ayon sa Comelec, ito ang mga lugar kung saan maaaring magparehistro

– Opisina ng Election Officer sa inyong lugar
– Register Anywhere Program (RAP) sites
– Satellite o Mall Registration Sites

Paalala pa ng ahensya, maaring i-download ang voter registration application forms mula sa www.comelec.gov.ph at magdala ng valid government-issued ID bilang proof of identification. Hindi na tatanggapin ng COMELEC ang company/employer’s/employee’s ID.

 

Ilang beses kailangang magparehistro?

Ang isang karapat-dapat na indibidwal ay kailangan lamang na magparehistro ng isang beses sa ilalim ng kasalukuyang pamamaraan ng patuloy na pagpaparehistro. Hanggang sa iba ang sinasabi ng batas, pinal ang pagpaparehistrong ito. Iligal na magparehistro para sa higit sa isang halalan.

Gayunman, kung lumipat ang isang botante, dapat niyang hilingin na ilipat ang kanyang rekord sa pagpaparehistro.

Ang isang talaan ng pagpaparehistro ay maaari ding i-deactivate para sa iba pang legal na tinukoy na mga batayan; ang pinakamadalas ay ang kawalan ng kakayahan na bumoto sa dalawang magkasunod na regular na halalan. Sa ganoong kaso, ang pinag-uusapang botante ay dapat humiling na muling maisaaktibo ang kanyang rekord sa pagpaparehistro.