Sa gaganaping State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, kasado ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas ng mga pribadong paaralan sa Quezon City.
Ang SONA ay gaganapin sa House of the Representatives sa Batasang Pambansa Complex, sa nasabing lungsod sa ganap na ika-4:00 ng hapon.
Suspendido rin ang “Brigada Eskwela” sa mga pampublikong paaralan sa nasabing petsa.
Ang anunsyo ay para sa kaligtasan ng publiko, maiwasan masarahan ng mga daan o ang trapikong maidudulot nito, at magkaroon ng pagkakataon na mapanood ang ikatlong SONA ng pangulo.
Liquor Ban
Kasado rin ang city-wide Liquor Ban sa Quezon City na magsisimula sa ika-12:01 ng hatinggabi hanggang ika-6:00 ng gabi ng Hulyo 22, 2024. Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 17, Series of 2024 na inilabas ni Mayor Josefina “Joy” Belmonte noong Hulyo 19.
Kaugnay pa nito, ang kautusang ay mahigpit na dapat sundin ng lahat ng mga establisyimento ng negosyo na nagbebenta at/o naghahain ng alak at iba pang inuming may alkohol. Ang pagpapatupad at pagpaparusa sa mga lalabag sa EO ay responsibilidad ng Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, at Philippine National Police.

