Clarisse Ann Rocabo, kandidata sa Miss Caloocan 2023

Clarisse Ann Rocabo (Kuha ng Cultural Affairs & Tourism Office - Caloocan City)

Sa unang tingin, hindi mo aakalaing ito ang unang beses niyang pagsabak sa malakihang beauty pageant. Sa ganda, tindig at kilos ay makikita488960 ang kanyang potensyal bilang beauty queen.

Isang 23-taong gulang na inhenyero, si Clarisse Ann Rocabo ay isa sa official candidates ng on-going Miss Caloocan pageant. Muling binuhay ang local pageant, na siyang highlight ng taunang Founding Anniversary ng lungsod matapos na ito’y pansamantalang nahinto dahil sa pandemya.

Si Clarisse Ann ay kinatawan ng Bgy. 176, Bagong Silang na pinakamalaking barangay sa lawak ng lupain at populasyon sa buong Pilipinas. Ito ang nagsisilbing microcosm ng bansa sa naturang lungsod. Siya ay nagtapos ng four-year Bachelor of Engineering Technology Major in Civil Engineering Course sa Technological University of the Philippines Manila at kasalukuyang nagtatrabaho sa DPWH Region IRegion IV-A MIMAROPA Office sa Quezon City.

Ang mga kandidata ng Miss Caloocan 2023 (Kuha ng Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Sa paglahok niya sa isang malaking pageant search, nais ni Clarisse Ann na ma-develop pa ang kanyang personalidad at ma-overcome ang pagiging mahiyain. Nais niya ring maging boses at mukha ng Mental Health Advocacy ng Caloocan at susubukang magpalaganap ng impormasyon at awareness sa ‘di birong social issues na lumalaganap bunga ng kahirapan at pandemya. “Lahat ay apektado ng isyung ito maging ang ating mga kaibigan, pamilya ka-trabaho at malalapit sa buhay. Speak up, open up and listen up, mental health matters. Kung ano man ang kinakaharap nating suliranin ito ay ating malalampasan at mapagtatagumpayan, Sama-sama tayong babangon, sa makabagong panahon,” aniya pa sa isang panayam.

Lubos ang pasasalamat ni Clarisse Ann sa mga taong buo ang suporta sa kanyang kampanya para sa korona, ito ay sina Jeson Suela Bolatin na kanyang mentor at handler. Gayundin kina Punong Barangay Joel Bacolod ng Bgy. 176 Bagong Silang, Jeannie’s Facial Salon, Z-DAM Beauty Salon, at kanyang mga kasamahan at boss sa DPWH Region IV-MIMAROPA Office at mga staff ng Caloocan City Cultural Affairs and Tourism Office.

Ang mga kandidata ng Miss Caloocan 2023 (Kuha ng Cultural Affairs & Tourism Office – Caloocan City)

Matutunghayan ang galing at talento ng Miss Caloocan 2023 candidates sa February 18 sa kanilang Talent at Preliminary Swimsuit Competition na gaganapin sa Manila Diamond Hotel at sa Grand Coronation Night sa February 25, 2023 sa Caloocan Sports Complex, Bagumbong, Caloocan City.

Mula sa Bilibb, good luck sa lahat ng Miss Caloocan 2023 official candidates!

Si Clarisse Ann Rocabo at ang kanilang Punong Barangay na si Joel Bacolod ng Bgy. 176, Bagong Silang. (Kuha ni Jeson Bolatin)