City of Ilagan Medical Center serbisyo, kalinga sa Ilagueños

Ang City of Ilagan Medical Center.

Dahil sa kasagsagan ng pandemyang COVID-19, agarang nabuksan ang mas kapaki-pakinabang ngayong City of Ilagan Medical Center (CIMC) sa lalawigan ng Isabela.

Bahagi ng pagpapahusay ng serbisyo-publiko ng City of Ilagan ang magkaroon ng pampublikong ospital para sa mamamayan nito kaya noong Agosto 2018 ay sinimulan ang konstruksyon ng tatlong palapag ng CIMC. Ito ang tanging level 2 government hospital sa Region 2 na pag-aari at pinamamahalaan ng local government unit (LGU) sa pamumuno ni City of Ilagan Mayor Josemarie Diaz.

 

Ang main lobby ng City of Ilagan Medical Center.

 

Dahil pataas nang pataas ang kaso ng COVID-19 at puno na rin ang ibang mga ospital ay nagkaroon ng soft opening ang City of Ilagan Community Isolation Unit na nasa loob din ng CIMC noong Abril 4, 2021. Ito ay nagsilbi bilang temporary COVID isolation facility para sa Ilagueños. Hindi pa naging ganap ang pagbubukas ng ospital noon dahil naghihintay pa ng karagdagang medical equipment na magmumula sa ibang bansa.

Noong Agosto 11, 2021 ay nagsagawa ng blessing at inagurasyon ang CIMC. Nasundan ito ng pagtanggap ng License to Operate ng Department of Health at noong Setyembre 4, 2021 ay pormal na nagbukas ito sa publiko kung saan si Dra. Herbie Barrios tumatayong City Health Officer at CIMC Director. Naging PhilHealth accredited naman ito noong Setyembre 27, 2021.

Ang pormal na pagbubukas ng City of Ilagan Medical Center noong Setyembre 4, 2021.

Bilang pagpapalawak ng serbisyo ng CIMC, nagkaroon dito ng groundbreaking ng City of Ilagan Medical Arts Building, lugar para sa consultation room, medical clinic, at iba pa.

Ang groundbreaking ng City of Ilagan Medical Arts Building na nasa City of Ilagan Medical Center noong Mayo 4, 2022.

 

 

Mga serbisyo at pagkalinga

Ang City of Ilagan Medical Center na may 24/7 na operasyon ay may 100-bed capacity at nasa ilalim ngayon ng proyektong maging 200-bed ito. Hinahangad din nito na umakyat sila sa tertiary level upang makapaglingkod pa sa Ilagueños.

Sa kasalukuyan, ang CIMC ay may 136 doctors kabilang ang mga neurologist, cardiologists, gastro, oncologists, at infectious control doctors.

Sa main lobby ng ospital, ilan sa matatagpuan ay ang Outpatient Department, emergency room, clinical laboratory, at clinical imaging.

Mayroon ding maaasahang reconstructive surgery, pulmonary, intensive care unit, supporting blood, at mini rehabilitation center para sa stroke patients.

Ang Physical Therapy room ng City of Ilagan Medical Center.

Nasa ikatlong palapag naman ang 12 units ng hemodialysis kung saan ay mayroon silang 100 pasyente dahil may 3rd shift na ito.

Ang CIMC ay bukas din upang maserbisyuhan ang mga kalapit na bayan. Nakahanda rin ang apat na ambulansya nito para sa mga pasyente at kung nanaisin, halimbawa, ay maaaring magpahatid kung nais magpalipat sa Philippine General Hospital sa Maynila.

Sa ibang bahagi ng ospital ay patuloy sa konstruksyon ng infectious building, lugar ito noon para sa COVID-19 patients at iba pang infectious at communicable cases.

 

Libreng konsultasyon

Sa mga nais magpatingin ng kalusugan ay may libreng konsultasyon na alok ang ospital. Sakaling ma-admit ay may pagpipiliang room na private o ward. Sa private na may bayad ay maaaring mamili ang pasyente ng consultant o doktor. May consultants ding mula sa private ang nag-iikot sa ward nang libre.

Samantala, dahil hinihintay pa ng CIMC ang resulta ng dalawang taon nang aplikasyon sa Malasakit Center ay nakaagapay pa rin ang lokal na pamahaalan para sa mga kapos-palad na mamamayan. Nakahanda ang Department of Social Workers and Development kung saan ang pondo ay mula rin sa LGU at sa mga walang-wala ay maaaring sagutin na ang kanilang hospital bill nang 100%.

Ang mga serbisyo pang mayroon ang CIMC ay Laboratory Tests (total protein, toxic granules, WBC, Urinalysis, atbp), Procedures (2D-Echo, breasts, chest, HBT, neck, pelvic, atbp), at X-Rays Procedures (Cervical Lateral, Abdomen FPA, Babygram, Chest AP, atbp).

Ang Laboratory ng City of Ilagan Medical Center.

 

Mga pagkilala

Ipinagmamalaki rin ng CIMC na sa Region 2, una silang tumanggap ng International Standardization Organization (ISO) Certification na Quality Management System, Environmental Management System at Occupational Health and Safety Management System.

Kinilala ring Mother-baby friendly hospital dahil isinusulong ng asawa ni Mayor Diaz na si Councilor Evelyn Diaz, isang registered nurse, ang breastfeeding at ang journey ng pregnant mother mula sa “prenatal” hanggang postnatal period.

 

Sa Main Lobby ng City of Ilagan Medical Center.

 

Ilan sa mga doktor sa City of Ilagan Medical Center

Anesthesiologist

Cardiologist

Dentist

Dermatologist

ENT Doctors

Gastroenterologist

General Surgeon

Internist / Internal Medicine

Neurologist

OB Gyne (Obstetrician / Gynecologist)

Oncologist

Ophthalmologist

Orthopedic Doctor

Pediatrician

Psychiatrist

Pulmologist

Urologist

 

Ang City of Ilagan Medical Center bago pa ganap na magbukas sa publiko.

 

City of Ilagan Medical Center

Lullutan, City of Ilagan, Isabela Province

Email address: cimc_admin@cityofilagan.gov.ph

Mobile No.: 09999932534