City housing project sa Ilagan bahagi ng pagsulong ng lungsod

Ang pormal na inagurasyon ng JLD Village bilang City Housing Project ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela na pinangunahan nina City Mayor Josemarie Diaz (ikaanim mula sa kaliwa) at City Vice Mayor Kiryll Bello (ikatlo mula sa kaliwa). (Kuha ni Itoh Son)

Sa pormal na inagurasyon ng City Housing Project na JLD Village na proyekto ng lungsod ng Ilagan, pinangunahan ito nina City Mayor Josemarie Diaz (ikaanim sa kaliwa) at City Vice Mayor Kiryll Bello (ikatlo sa kaliwa) kasama ang Sangguniang Panlungsod na sina Jay Eveson Diaz, Perlita G. Gaoiran, Antonio Montereal Jr., Evelyn Catolico-Diaz, Rachelle Garcia, SP Jessamyn Ligan, SP Antonio Manaligod Jr., SP Rolando Tugade, at SP Lilian Bringas.

Kasabay din ng okasyon ay binasbasan din ang 23 bahay sa lugar noong Agosto 7 na matatagpuan sa Barangay Alibagu, City of Ilagan sa lalawigan ng Isabela.

Ang proyektong ito ay bahagi ng natutupad na plano ng lokal na pamahalaan para sa kanilang “Livable City of Ilagan 2030.”

Noong 2013 elections, nahalal ang alkalde ng lungsod na si Diaz at nang maupo sa puwesto, nag-anunsyo ito sa mga mamamayan kasama ang ibang mga opisyal na sila ay nakabuo ng isang kumpletong plano upang baguhin ang lungsod sa isang mas maayos na matitirahang lugar sa taong 2030.