Cinemalaya sa ika-19 edisyon, mapapanood sa PICC

Ang mga direktor ng full length at short films kasama ang mga opisyal ng Cultural Center of the Philippines at Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na nagsama-sama sa ginanap na press conference noong Hulyo 5, 2023. (Kuha ni Kiko Cabuena)

Sa muling pagiging aktibo ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa ika-19 edisyon nito, sabik ang mga manonood na masilayan muli ang malaking okasyon na may bagong hanay ng mga entry na magsisimula sa Agosto 4 hanggang 13.

Dahil ilang taon ding iniligay ng pandemya ang Cinemalaya sa “online edition” ay agresibo ang publiko na suportahan ang film festival. Dahil nasa renobasyon pa ang gusali ng Cultural Center of the Philippines na siya nitong dating venue para sa okasyon, ang Cinemalaya ay may bago at pansamantalang tahanan sa Philippine International Convention Center (PICC), na nasa loob ng CCP Complex.

Ang Meeting Room ng Philippine International Convention Center bago magsimula ang presscon para sa ika-19 edisyon ng Cinemalaya Film Festival na ginanap noong Hulyo 5. (Kuha ng Bilibb)

Sa isinagawang press conference ng Cinemalaya sa PICC noong Hulyo 5, buhos ang suporta mula sa media upang ikalat ang impormasyon sa kaabang-abang na filmfest.

Cultural Center of the Philippines President Margie Moran Floirendo (Kuha ni Kiko Cabuena)

“We hope to retain the unique community spirit of the festival, which was one of the main considerations when we were deciding on the venue. If we look at the history of the convention center, PICC is quite conducive for film screenings, having hosted the Manila International Film Festival in the 1980s,” ani CCP president Margie Moran-Floirendo.

Matutunghayan ng publiko ang Cinemalaya sa tatlong “meeting rooms” sa PICC: Cinema Rizal (Meeting Room 1), Cinema Bonifacio (Meeting Rooms 2 and 3), at Cinema Felipe (Meeting Room 4). Magkakaroon ng fringe events at talkbacks na gaganapin sa Cinema Palma (Meeting Room 5). Samantala, ang exhibitions at filmmakers’ profiles ay ipakikita sa Executive Lounge.

Cinemalaya President Laurice Guillen (Kuha ni Kiko Cabuena)

Para sa taong ito, 10 full-length films ang maglalaban-laban: Ang Duyan ng Magiting (The Cradle of The Brave) ni Dustin Celestino; As If It’s True ni John Rogers; Bulawan Nga Usa (Golden Deer) ni Kenneth De la Cruz; Gitling ni Jopy Arnaldo; Huling Palabas (Fin) ni Ryan Espinosa Machado; Iti Mapukpukaw (The Missing) ni Carl Joseph E. Papa; Maria ni She Andes; Rookie ni Samantha Lee at Natts Jadaone; Tether ni Gian Arre; at When This Is All Over ni Kevin Mayuga.

Director Jose Javier Reyes, Main Competition and Monitoring Chair, Cinemalaya Philippine Independent Film Festival (Kuha ni Kiko Cabuena)

Ang short films ay kinabibilangan ng: Ang Kining Binalaybay Kag Ambahanon Ko Para Sa Imo (These Rhymes And Rhythms Meant For You) ni Kent John D. Desamparado; Golden Bells ni Kurt Soberano; Hinakdal (Condemned) ni Arvin Belarmino; Hm Hm Mhm ni Sam Villa-Real At Kim Timan; Kokuryo: The Untold Story of Bb. Undas 2019 ni Diokko Manuel Dionisio; Makoko Sa Baybay (I Am Going To The Beach) ni Mike Cabarles; Maudi Nga Arapaap (Last Dream) ni Daniel Magayon; Sibuyas Ni Perfecto (Perfecto’s Onion) ni Januar Yap; Sota (Horse Caretaker) ni Mae Tanagon; at Tong Adlaw Nga Nag-Snow Sa Pinas (The Day It Snowed In The Philippines) ni Joshua Caesar Medroso.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) at Cinemalaya website (www.cinemalaya.org). Sundan ang official CCP at Cinemalaya Facebook pages at iba pang social media accounts ng mga ito sa Twitter, Instagram at Tiktok.