Cinemalaya 2024 full-length finalists inihayag na ng CCP

Hindi pa man humuhupa ang pagkahumaling ng mga tao sa Cinemalaya 19, ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at Cinemalaya Foundation Inc. ay naghahanda na para sa ika-20 na edisyon sa 2024 ng pinakamalaking independent film festival sa bansa.

Naninindigan sa pananaw na linangin at suportahan ang paglilimbag ng sinematikong likha ng mga Pilipinong independent filmmakers na walang takot na magbahagi at malayang isinasadula ang mga karanasan ng mga Pilipino na mayroong sariwang pananaw at artistikong integridad, inihayag ng taga organisa ng Cinemalaya ang 10 full-length finalists na palabas na maglalaban-laban para makuha ang parangal na Best Film sa darating na Cinemalaya 20.

Ang mga finalist ay napili mula sa 20 na semi-finalist na dumaan sa Cinemalaya Film Lab, tatlong buwang film-laboratory mentorship na programa para hasahin ang mga finalists sa ibat ibang aspeto sa paggawa ng pelikula katulad ng scriptwriting, directing, cinematography, performance, editing, production management at promotion bukod pa sa iba.

Ang 10 finalists sa Main Competitions full-length na kategorya

ALIPATO ni JL BURGOS

LOGLINE: Ang kapatid ng nawawalang aktibistang si Jonas Burgos ay nagbahagi sa dokumentaryong ito ng mga storyang hindi maibahagi patunkol sa kumpidensyal na mga lead, nakapipinsalang ebidensya at kung bakit ang pagkawala ng kaniyang kapatid ay nananatiling relevant case.

ANG TUMANDOK (THE INHABITANTS) ni KAT SUMAGAYSAY AND RICHARD SALVADICO

LOGLINE: Base sa totoong buhay ng mga Atis, mga indigenous na tao sa Central Panay, ginanap ng mga Atis mismo, ang ANG TUMANDOK ay nagtatampok sa isang 16 taong gulang na babaeng anak ng kapitan na lumalaban para sa lupain ng kanilang mga ninuno. Ang kapana-panabik na kuwento ay magdadala sa atin sa kaibuturan ng kanilang laban na nagpapakita sa kanilang hindi natitinag na diwa at sa kanilang hindi nasisirang ugnayan sa lupain na tinatawag nilang tahanan.

ARIPUEN (THE SERVANT) ni CHRISTOPHER GOZUM

LOGLINE: Si Divina Sabangan, 63 taong gulang na Pilipina na tiniis ang pagkakahiwalay, pagbabanta ng pagkakulong, paged-deport, pangungulila, hindi nababayaran ang sahod, at pagkabaliw habang kumakapit sa kaniyang pananampalataya sa Diyos at sa pagmamahal sa kaniyang pamilya dahil stranded ng 21 taon sa malayong nayon sa bundok, sa isang bansa sa Gitnang Silangan. Nang dumating ang pitong misteryosong bisita, dala-dala ang mga hamon at pag-asang matulungan siya upang maka-uwi sa Pilipinas.

BALOTA ni KIP OEBANDA

LOGLINE: Isang mangangamkam ng lupa na mangangalakal at dating seksing aktor ang nakulong sa mahigpit na labanan sa pagiging mayor ng maliit na bayan. Nang pumutok ang karahasan, si Emmy, isang guro, ay tumakbo sa kawalan dala ang isang balot box, ang huling kopya ng resulta sa eleksyon. Sinikap ni Emmy at ng komunidad na linlangin ang mga masasamang loob na gustong manabotahe sa halalan.

GULAY LANG MANONG ni BC AMPARADO

LOGLINE: Si Pilo ay isang magsasaka na nahihirapan sa Bunguet. Ang kaniyang adik na kapatid na si Ricky ay bahagi ng prominenteng Benguet Marijuana Cartel at sinasanay ng kaniyang matalik na kaibignag si Razer, isang tusong unano at kilalang personalidad sa underground na komunidad ng Ganja. Sa gitna ng all-out drug war, si Ricky ay nahuli ng isang maaasahang patrolman na si Ariel na humahabol sa organisasyon. Sa desperadong pagtatangkang isiwalat ang kartel, inatasan ni Ariel si Pilo na kunin Si Razer kapalit ng ulo ni Ricky. Dahil hindi matupad-tupad ang mga tuntunin sa kaniyang pagtatangka, nangako si Pilo na makikipagtulungan kay Ariel at sama-sama nilang huhulihin si Razer upang ilantad ang kartel at mga miyembro nito habang sila ay nagbubunyag ng mga nakakagulat na lihim habang sila ay sumisisid sa mundong tinatawag na droga.

KANTIL (TRENCH) ni JOSHUA CEASAR MEDROSO

LOGLINE: Habang kinahaharap ang pagbabanta ng demolisyon, isang pamayanan na nakatira sa pagmamay-ari ng gobyerno sa baybayin ng Purok 12 Tibungco, Davao City ay nakatagpo ng isang pambihira o hindi pangkaraniwang k25abibe sa dagat. Ito ay nagbibigay kahinaan sa kanila upang ilagay sa panganib ang kakayahan na itinakda para sirain ang mga tahanan at sangkatauhan.

KONO BASHO (THIS PLACE) ni JAIME PACENA II

LOGLINE: Ang masiyasat na paglalakbay ng isang Pilipinong anak na dumalo sa libing ng kaniyang nawalay na OFW na ama sa isang lungsod sa Japan na bumabangong muli mula sa resulta ng tsunami noong Marso taong 2011.

LOVE CHILD ni JONATHAN JURILLA

LOGLINE: Upang maging maayos ang kanilang relasyon, ang bata at hindi kasal na magkasintahang sina AILA at PAO ay kailangang magkasundo sa mga termino kung paano ang tamang pagpapalaki sa kanilang anak na mayroong autism spectrum disorder (ASD). O mas gugustuhing nilang makinig sa tawag ng kanilang mga pangarap na hindi natupad?

THE ERRAND ni SARGE LACUESTA

LOGLINE: Isang tsuper ang inutusan para gawin ang isang simpleng gawain: ang pagkuha ng designer t-shirt at isang lata ng viagra para sa kaniyang amo, na kinakasama ang kaniyang kasintahan sa isang hotel. Simple man kung pakikinggan, ang biyahe ay dumaan sa mga pagkakaiba ng oras, uri at karakter.

THE WEDDING DANCE ni JULUIS LUMIQUED

LOGLINE: Noong 1942, isang babae ang inimbitahan ng kaniyang asawa, isang madirigma sa kanilang tribo, para sa kaniyang bagong sayaw sa kasal.