Cinemalaya 19, opisyal nang binuksan sa PICC

Sa pagdumog at suporta ng publiko, naging matagumpay ang pormal na pagbubukas ng Cinemalaya Film Festival noong hapon ng Agosto 5 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Ang ika-19 edisyong ito ng film festival na nasa temang Cinemalaya 19 ilumiNasyon ay dinaluhan ng iba’t ibang aktor at personalidad sa larangan ng industriya ng pelikulang Pilipino. (Kuha ni Kate Mabini)

Opisyal nang nagbukas ang ika-19 edisyon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa bagong venue nitong Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City noong hapon ng Agosto 4.

Ang film festival ay nasa ilalim ng tema at tinawag na Cinemalaya 19 ilumiNasyon. Ito ay dinaluhan ng mga premyadong aktor at iba pang mga personalidad sa industriya ng pelikula.

Bilang mga bumubuo ng kasalukuyang edisyon, dumalo ang mga cast ng bawat pelikulang kasali sa kompetisyong ito.

Si Margie Moran-Floirendo, pangulo ng Cultural Center of the Philippines, habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa pagbubukas ng ika-19 edisyon ng Cinemalaya Film Festival ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Agosto 5, 2023. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Matapos ang pormal na pagbubukas ng Cinemalaya, naging tampok na pelikula ang Marupok AF kung saan nasa okasyon din ang cast nito na sina Maris Racal, EJ Jallorina, Royce Balmaceda, at iba pa. Ang obra na ito na idinirehe ni Quark Henares ay nagkaroon ng libreng ticket para mapanood ng publiko.

Sa festival na ito, aabot sa 50 features films ang matutunghayan ng mga manonood. Ang dalawang pinakapangunahing seksyon ay ang competition at exhibition films. Sa competition films, narito ang 10 full lengths na documentaries at ang kauna-unahang animation film, at isa pang 10 short films na dumaan nang husto sa pagsusuri mula sa tinatayang 200 entries.

Isa si Tirso Cruz III sa mga aktor na dumalo at sumuporta sa pormal na pagsisimula ng Cinemalaya Film Festival na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Agosto 5, 2023. (Kuha ni Teddy Pelaez)

May pagkakataon din sa pakikisalamuha sa creatives, filmmakers, enthusiasts sa pamamagitan ng mga pagpupulong na pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines.

Ang festival ay magtatapos hanggang Agosto 13, 2023. Mapapanood din ang mga full-length at short film sa mga piling Ayala Malls.

Ang mga direktor ng competing films na dumalo  sa pagbubukas ng Cinemalaya 19

Full-length films

-Ang Duyan ng Magiting (The Cradle of the Brave) ni Dustin Celestino

-As If It’s True ni John Rogers

– Bulawan Nga Usa (Golden Deer) ni Kenneth De la Cruz

– Gitling ni Jopy Arnaldo

– Huling Palabas (Fin) ni Ryan Espinosa Machado

– Iti Mapukpukaw (The Missing) ni Carl Joseph Papa

– Maria ni She Andes

– Rookie ni Samantha Lee at Natts Jadaone

– Tether ni Gian Arre

– When This Is All Over ni Kevin Mayuga

Short Films

– Ang Kining Binalaybay Kag Ambahanon Ko Para Sa Imo (These Rhymes And Rhythms Meant For You) ni Kent John D. Desamparado

– Golden Bells ni Kurt Soberano

– Hinakdal (Condemned) ni Arvin Belarmino

– Hm Hm Mhm ni Sam Villa-Real at Kim Timan

– Kokuryo: the Untold Story of Bb. Undas 2019 ni Diokko Manuel Dionisio

– Makoko Sa Baybay (I Am Going To The Beach) Ni Mike Cabarles

– Maudi Nga Arapaap (Last Dream) Ni Daniel Magayon

– Sibuyas Ni Perfecto (Perfecto’s Onion) ni Januar Yap

– Sota (Horse Caretaker) ni Mae Tanagon

– Tong Adlaw Nga Nag-Snow Sa Pinas (The Day It Snowed In The Philippines) ni Joshua Caesar Medroso