Cine icons ng CCP nagpupugay sa national artists; Himala ipalalabas

Si National Artists for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee (kaliwa) habang kinakapanayam ni Sweet Lapuz.

Habang ang mga tao ay tila pamilyar sa most famous quote na “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao” dahil sa napakaraming nakatutuwang meme na umiikot sa social media, hindi lahat – lalo na ang bagong henerasyon, ay nakakita nang buo klasikong pelikulang Himala sa kabuuan nito, isang nakapapanghinayang sitwasyon na inaasahan ng Cultural Center of the Philippines na tugunan sa pamamagitan ng Cine Icons.

Ang pinakabagong programa ng pelikula ng CCP sa ilalim ng Film, Broadcast, at New Media Division nito, isang Congressional Initiative na proyekto sa ilalim ni Rep. Christopher de Venecia, ay naglalayong kilalanin at ipakita ang cinematic masterpieces ng newly-minted National Artists for Film and Broadcast Arts na sina Ricky Lee, Nora Aunor at Marilou Diaz-Abaya upang mapataas ang kamalayan at pagpapahalaga sa pelikulang Pilipino sa pangkalahatang publiko.

“Films have always played a significant role in shaping the cultural identity of the Philippines, capturing the country’s rich history, diverse traditions, and the Filipino way of life. They have been a medium of storytelling, educating, and entertaining audiences while providing a platform for artists to showcase their creativity,” ani CCP president Margie Moran-Floirendo sa paglulunsad kamakailan ng programa ng pelikula sa Tanghalang Ignacio B. Gimenez.

Ang CCP president na si Margie Moran-Floirendo.

Ang Himala, isang digitally remastered na bersyon ng classic na pelikula na isinulat ni Lee at pinagbibidahan ni Nora Aunor bilang si Elsa, ang unang release ng Cine Icons. Si Elsa ay isang ulila na nagsasabing mayroon siyang mga pangitain tungkol sa Birheng Maria at ang kapangyarihang gamutin ang isang malawak na hanay ng mga sakit. Ang natitirang mga naninirahan sa kanyang malayong nayon ay nagsimulang mag-alinlangan sa kanilang sariling mga paniniwala at prinsipyo habang nagpapatuloy ang pelikula. Kapag ang balita tungkol sa himalang ito ay kumalat, ang mga peregrino, pasyente, turista, at isang documentary filmmaker ay nagpapakitang lahat sa pagsisikap na makita ang himala.

Ang award-winning na pelikula, na idinirek ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ishmael Bernal ay naibalik dahil sa Sagip Pelikula ng ABS-CBN. Sa pamamagitan ng iba’t ibang channel, patuloy na ginagawang available ng restoration initiative ang mga Filipino cinematic treasures para sa panonood ng mga bagong henerasyon.

“Ang ABS-CBN Film Restoration ay 12 years na. Naug-umpisa iyan lahat nang ipalabas namin noong 2012 ang pelikulang Himala. Noong pinag-uusapan kung ano ang magandang umpisahan sa aming restoration project, walang ibang naging kasagutan kung hindi ang Himala dahil sa ganda ng pelikulang ito,” pagbabahagi ni Sagip Pelikula head Leo Katigbak.

Sa pagsasagawa ng talkback matapos ng screening ng pelikula, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral, tagahanga, at mga mahilig sa pelikula na makipag-usap sa Pambansang Alagad ng Sining na si Lee na nagkuwento ng mga behind-the-scenes na mga kuwento at anekdota sa paggawa ng pelikula ng Himala.

“May inire-revise ako, like yung monologue doon sa ending. May natapos ako noon na monologue na nasa ospital na. Pero nung binasa ko iyon sa set, nakita ‘yung mga na-shoot na, parang hindi na maganda, so nag-observe ako sa set, tiningnan ko ‘yung may mga sakit na extra, tas sabi ko kakausapin sila ni Elsa, parang hindi bagay ‘yung nasulat ko. So nag-revise ako sa set, ang natira na lang mula sa original draft ay ‘yung ‘walang himala,’ lahat nabago. Then, ibinigay kay Ate Guy ‘yung draft ng na-revise ko at sinabihan siya na one take lang kasi 3,000 extras, eight cameras, five crowd directors, hindi natin puwede ulitin lahat iyon pag nag-stampede na. So, one take lang. And the next day, one take nga lang ang nangyari,” pagbabahagi naman ni National Artist na si Lee.

Ang pinarangalan na screenwriter ay mabait na nag-alay ng kanyang mga opinyon sa Philippine cinema, paggawa ng mga pelikula, at pag-compose ng mga script. Nag-alok din siya ng gabay sa mga naghahangad na manunulat.

“Ang masasabi ko sa young and struggling writers, hindi masama ang salitang struggling. I don’t think that you should ever stop struggling. Fifty years na akong nagsusulat, and I am still struggling. It never stops. Huwag ninyo ring ambisyunin na maging Ricky Lee o Doy Del Mundo o Pete Lacaba kasi nag-iisa kami. Kung gagawa kayo ng kagaya namin, kami na ang kukunin. Xerox copies na kayo. Pero kung gagawa kayo ng kuwento na galing sa boses at karanasan ninyo, kayo ‘yun at walang kapareho sa buong mundo. Pagbutihin lang ninyo at tiyak na papanoorin ‘yan ng tao,” payo ni National Artist Lee.

Noong Pebrero 17, 2023 ay nagsagawa ng soft debut ang Cine Icons sa PUP Theater sa pagpapalabas ng Brutal ni Diaz-Abaya, na isinulat din ng Pambansang Alagad ng Sining na si Lee. Nagtulungan ang Polytechnic University of the Philippines at Film Development Council of the Philippine para maisakatuparan ang kaganapan.

Sa Marso 29, ika-6 ng hapon, panoorin ang Cine Icons sa Baguio City sa Balanghay ni Ikeng, na matatagpuan sa Wateringhole ng Ili-Likha Artists sa Assumption Road. Ang bagong programa sa pelikula ng CCP ay magpapalabas ng “Moral,” isang pelikulang isinulat at idinirehe ng Pambansang Alagad ng Sining na si Diaz-Abaya, back-to-back sa “Orbit 50: Letters to my Three Sons” ng Pambansang Alagad ng Sining na si Kidlat Tahimik bilang bahagi ng pakikipagtulungan sa Montanosa Film Festival, Cinemarehiyon, at ABS-CBN Film RestorATION.

Sundan ang mga opisyal na social media account ng CCP sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok para sa mga anunsyo ng iskedyul ng screening at pinakabagong mga update sa mga palabas at produksyon ng center.