Christine Escalante sa Mrs. Universe Official 2022

Christine Escalante (SNAP & TREND by Jhosh Rodriguez)

Ang tubong Maynila at matagumpay na entrepreneur na si Christine Escalante ang isa pang Pinay delegate na sasabak sa prestihiyosong Mrs. Universe Official na gaganapin sa December 4, 2022 sa Sydney, Australia.

Katulad din ng kaibigan niyang si Monique Rivera ng Laguna, siya rin ay kalahok sa contest ng mga misis noong Oktubre 2021 at may kahalintulad na karanasan at kapalaran sa contest.

Ngunit gaya ng sabi, when the door closes, a window (of opportunities) opens up for you. Nakita ni Miss Maryrose Salubre, ang organizer ng Mrs. Universe Official sa Australia, ang determinasyon at kakayahan ni Christine kaya’t siya ay inimbita bilang delegate sa pageant na dapat sana ay ginanap noong December 25, 2021. Tinanggap ni Christine ang hamon at ngayon ay tuloy na itong mag-co-compete kasama ni Monique sa Sydney, Australia.

Christine Escalante, Monique Rivera (SNAP & TREND by Jhosh Rodriguez)

Ipinanganak sa araw ng Pasko, si Christine ay ulirang ina sa kanyang tatlong anak at mahusay na boss sa kanyang mga empleyado sa iba’t ibang negosyo. Ang ilan sa mga ito ay ang Custech Contact Center Philippines (isang BPO), at GVHR Trading and Construction.

Isang “multi-faceted and talented person”, si Christine ay isa ring freelance commercial model and movie actress under Star Magic at naging host ng ATC International at TV 31.
Likas na matulungin at mapagmalasakit, abala siya sa mga socio-civic organization bilang VP ng Wanita Filipina, an organization that aims to empower women. President din siya ng League of Empowered Women in the Philippines that aims to support domestic women in their mental, spiritual and emotional needs at Lady Queen ng WCEA o World Council of Educators Association, isang charity organization for professionals, helping children, the elderly and people with disability. Ang mga katangiang ito ang magiging winning qualities niya sa kompetisyon at motibasyon upang mapalawak ang kanyang plataporma at adbokasiya.

Mula sa BiLiBB, the Best of luck sa inyong dalawa ni Monique Rivera, patuloy niyong iwagayway ang badila ng Pilipinas tungo sa tagumpay!

Sina Christine at Monique kasama ang mga kaibigan at tagasuporta. (SNAP & TREND by Jhosh Rodriguez)
Christine Escalante (SNAP & TREND by Jhosh Rodriguez)