Chinese New Year at ang selebrasyon nito

Ang hanging lanterns na isa sa tatlong uri ng Chinese lanters na karaniwang isinasabit tuwing Chinese New Year.

Sa Enero 22, Linggo na ang Chinese New Year. Alam ba ninyo kung paano ang selebrasyon sa tradisyong ito?

Sa China, ang pagdiriwang nila sa nasabing okasyon sa taong ito ay magsisimula ng Enero 21 hanggang Enero 27. Ito ang pinakamakulay, mahaba at importanteng okasyon sa kanila kaya maraming tao ang dumadayo rin sa China para sa kakaibang lakbayin.

Sa Chinese New Year, may tatlong araw na importante para sa mga Intsik:

* 2023 Chinese New Year’s Eve: Enero 21

* 2023 Chinese New Year’s Day: Enero 22

* Lantern Festival: Pebrero 5 (Ang pagtatapos ng selebrasyon ng Chinese New Year)

Bakit nag-iiba ang petsa ng Chinese New Year sa bawat taon?

Pansin na sa bawat taon ay nag-iiba ang Chinese New Year. Kadalasang nagaganap ito sa pagitan ng Enero 21 at Pebrero 22. Nag-iiba ito dahil ang Chinese lunar calendar ay iba sa kalendaryong Gregorian, kaya’t ang mga petsa ng Bagong Taon sa dalawang kalendaryo ay magkaiba.

Tayong mga Pilipino, ang sinusunod natin ay ang Gregorian calendar. Ang pagsunod nating ito ay nagsimula pa noong 1500s.

Mabalik tayo sa usapin… paanong ang petsa ng Chinese New Year mismo ay may napakalawak na saklaw?

Ayon sa Chinese lunar calendar, mayroong tinatawag na big years at small years. Sa big years, maaaring magkaroon ng hanggang 384 araw, habang sa small years ay maaari lamang magkaroon ng 355 araw. Sa big years, ang petsa ng Chinese New Year ay lilipat sa huling bahagi ng Pebrero, ngunit sa small years, babalik ito sa huling bahagi ng Enero.  Pagkatapos ng ilang sunud-sunod na big years, dapat mayroong ilang small years o kabaligtaran, upang ang petsa ng Chinese New Year ay hindi kailanman mawawala sa saklaw.

Ang selebrasyon ng Chinese New Year ay walang fixed date ngunit tulad nating mga Pinoy at iba pang lahi ay laging naroon ang pagbibigayan, masayang salo-salo at pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap sa nagsarang taon at kahandaan na may kasiyahan sa pagharap sa panibagong taon ng buhay.

2023: Year of the Water Rabbit

Sa 12-year cycle ng Chinese zodiac, Year of the Rabbit ngayon na sinisimulan mula Enero 21 hanggang Pebrero 4 ng susunod na taon. Ang kuneho ang ikaapat sa Chinese Zodiac. Ang 12 zodiac animals ayon sa pagkakasunod-sunod ay: Rat, Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Goat, Monkey, Rooster, Dog, at Pig.

Ang mga taong nasasaklaw ng Year of the Rabbit ay ang mga ipinanganak sa mga taong 1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011, at 2023.

Para sa mga Intsik, ang kuneho ay isang maamo na nilalang na kumakatawan sa pag-asa at buhay sa mahabang panahon. Ito ay malambot at kaibig-ibig. Ang diyosa ng buwan na si Chang’e sa alamat ng Chinese ay may isang kuneho bilang kanyang alagang hayop, na nagpapasigla sa pag-iisip na ang nilalang lamang na ito ay sapat na magiliw na tumugma sa kanyang marangal na kagandahan. Ang isa pang paraan ng pagsasabi ay ang Kuneho ay ang pagkakatawang-tao ng diyosa ng buwan per se at ito ay palaging isang simbolo ng kadalisayan at pagkamabait.

Ang mga taong ipinanganak sa Year of the Rabbit ay mga gentle at approachable. Mayroon silang disente, marangal at eleganteng pag-uugali.

Chinese Lanterns

Tatlo ang klase ng Chinese Lanterns:

Hanging lanterns – karaniwang nakikitang dekorasyon sa mga bahay, tindahan, opisina o public places. Sinasabing suwerte ang dala ng lantern na ito na nagpapataboy sa Nian monster, na sinasabing isang mabangis na hayop na may matatalas na ngipin at mga sungay na kakain ng kapwa hayop at tao.

Flying lanterns – ay itinutulak ng mainit na hangin na dulot ng apoy sa loob, at na inilalabas sa mga espesyal na okasyon tulad ng Mid-Autumn Festival.

Floating lanterns – ito ay mga parol na nasa mga anyong tubig sa panahon ng mga pagdiriwang tulad ng Dragon Boat Festival.

Ang tamang pagbati na kaugnay sa Chinese New Year

Xin nian kuai le – ‘xin nian’ (new year) ‘kuai le’ (happy). Ito ay pagbati sa Mandarin, na ang pagbigkas nito ay ‘shin nee-an kwai le’. Ang pagbigkas ng ‘le’ ay parang French na ‘le’. Ito ang literal at tamang salin para sa pagbating Happy Chinese New Year.

Xin nian hao – Puwede rin itong pagbati na ang ibig sabihin ay good new year: xin nian hao. Pinaiksi itong ‘xin nian kwai le’.

Chun jie kuai le – Ang Chinese New Year ay kilala ring Spring Festival o ‘chun jie’. Puwedeng pagbati ito bilang ‘chun jie kuai le’ bilang pamalit sa ‘xin nian kuai le’.  Ang ‘chun jie’ ay spring festival habang ang ‘kuai le’ ay happy.

Guo nian hao – na puwedeng pamalit sa ‘guo jie hao’ na ang pagbigkas ay ‘gor jee-eh hao’. Ito rin ay puwedeng banggitin sa ibang kapistahan ng mga Intsik.

Ang naririnig nating ‘Gong hei fat choy’ ay hindi talaga pagbating “happy Chinese New Year” kung hindi ito lamang ay naghahatid ng hiling para sa kaunlaran o prosperity – ibig sabihin, ibinibigay mo ang hiling na maging mayaman ang iyong binabati (recipient) sa susunod na taon. Karaniwan itong mas naririnig sa mga negosyanteng Instik o mga kasama sa trabaho.

‘Gong hei fat choy’ ay salitang Cantonese habang sa Mandarin ay ‘gong xi fa cai’ (gong she fa tsai ang bigkas).

Ang Cantonese ay pangkalahatang sinasalita sa Guangdong (dating kilalang Canton) at sa Hong Kong. Ngunit sa ibang bahagi ng China at Taiwan, ang Mandarin Chinese ang sinasalita nila.

Paghahanda ng mga pagkain

Dahil ang Chinese New Year ay pinakamahalagang okasyon sa mga Intsik, mahalaga ring mapagsaluhan ito ng mga pamilya sa isang reunion dinner ng New Year’s Eve. Kahit anong layo ng miyembro ng pamilya ay kailangan makauwi sila para maging buo ang kanilang pamilya. At kung sadyang hindi sila makauuwi ay gagawin ng pamilya na iiwan ang puwesto sa dining table ng hindi nakadalo at maglalagay ng set ng utensils para sa kanila.

Ang nian gao o tikoy na isa sa mga pagkaing inihahanda tuwing Chinese New Year.

Ang tradisyon ng pagkain na pinagsasaluhan ng mga Intsik ay nian gao – nian-sticky; gao-cake (tikoy o rice cake o New Year’s cake). Sa paghahanda at pagkain nito na gawa sa malagkit na bigas, naroon ang hiling na maging matagumpay ang taon at mas mainam kaysa sa taong nagdaan.

Ang hugis ng nian gao ay iba-iba para sa karagdagang kasiyahan, at naiiba rin ang flavor nito kung gugustuhin.

Ang paghahanda rin ng mga pagkain ay isang engrandeng pagsasama-sama ng mga pamilya sa bawat tahanan at tradisyon sa kanila na may mga pagkain din tulad ng steamed or braised fish bilang kahilingan para sa kasaganaan sa hinaharap na taon.

Sa hilagang parte ng China ang mga tao rito ay mas gustong ihanda ang dumplings habang ang mga taga timog ay mas gusto ang rice cakes.

Red Pockets

Ang mga perang nasa pulang sobre ay tinatawag na lucky money o “New Year’s money.” Tradisyon na ibibinigay ang pulang sobre sa mga bata kung saan naroon ang paniwala ng mga matatanda na naipapasa sa bagong taong haharapin ang magandang kapalaran at pagpapala. Samantalang naroon ding nagbibigay din ang mga bata sa matatanda ng perang nasa pulang sobre bilang simbolo ng paghaba ng buhay at pagpapakita ng pasasalamat.

Ang lucky money bilang bahagi ng tradisyong Chinese New Year.

Mayroon din namang lugar sa China kung saan ang mga mag-asawa ang nagbibigay sa mga kaibigang hindi pa kasal upang maipasa ang suwerte.

Ang kaugaliang ito ay nagmula pa noong Han Dynasty (202 BC – 9 AD, 25–220 AD). Sa halip na tunay na pera, ito ay maliliit na collectibles na barya (na may butas sa gitna) upang tanggalin ang masamang espiritu.

Collectible coins ng mga Chinese.

Sa paglipas ng panahon ay nauwi ito sa pamimigay ng pulang sobre o angpao at mayroon na ring digital red envelopes o digital pockets na tinatawag. Maaari nang magpadala ng pera kahit sa malalayong lugar kung saan naroon ang mahal sa buhay.

Lokal na selebrasyon

Sa Pilipinas, dahil maraming mga Chinese at Filipino Chinese ang naririto ay may iba’t ibang lugar ding pagdarausan ng Chinese New Year.

Sa Quezon City, malaking okasyon din ang nag-aabang tulad ng pagdiriwang ng okasyon sa sa kanto ng P. Florentino at Banawe Avenue ng naturang lungsod.