Wala ring pagkabigong nakuha ang Pilipinas sa katatapos na 73rd Miss Universe 2024.
Hindi man nakoronahang Miss Universe si Chelsea Manalo na representative ng bansa, siya lamang naman ang kinilalang first Miss Universe Asia. Ito ang proud na announcement ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip sa ginanap na press conference ng naturang pageant sa Coronation Night nito itong November 17, 2024 (Manila time).

Hindi naman nakapagtataka ito dahil impressive ang naging performance ni Chelsea sa simula pa lamang ng beauty pageant.
Kinilala si Chelsea kabilang ang tatlong iba pang Continental Queens. Ito ay sina Miss Nigeria Chidimma Adetshina bilang Miss Universe Africa & Oceania, Miss Finland Matilda Wirtavuori bilang Miss Universe Europe & Middle East, at Miss Peru Tati Calmell bilang Miss Universe Americas.

Sa naging pageant, natapos ni Chelsea na makapasok sa Top 30.
Ang naging 73rd Miss Universe ay si Miss Denmark Victoria Kjaer Theilvig, ang unang Danish woman na nakasungkit ng presihiyosong beauty pageant sa mundo.



