CCP The Met: LIVE in HD tampok ‘Grounded’ ni Jeanine Tesori

Ang kompositor na si Jeanine Tesori, isang two-time Tony Award winner, ay magde-debut ng kanyang bagong opera na Grounded sa bansa sa Marso 4 sa ganap na 5:30 ng hapon kasama ang CCP The Met: LIVE in HD, exclusive sa Glorietta 4 Cinema 1 sa Makati City.

Ang Grounded ay isang opera adaptation ng award-winning na dula ni George Brant, na tumututok sa isang babaeng umalis sa militar dahil sa pagbubuntis at naging Reaper drone operator sa disyerto ng Nevada. Sinasaliksik ng kuwento ang sikolohikal na epekto ng modernong pakikidigma at ang mga tungkulin ng kababaihan sa sandatahang lakas.

“The main part of the opera deals with what that psychological toll is on this woman. I’ve seen so many war stories, movies and books, and they’ve been told from male perspective.  To me, when you see that woman up there in her fight suit, there is a jolt of newness and differentness,” ani George Brant, ang playwright at librettist ng opera.

Ang Grounded, na kinomisyon ng Metropolitan Opera-Lincoln Center Theater New Works Program, ay isang moral awakening opera ng Amerikanong kompositor na si Tesori. Binuksan nito ang 2024-2025 season ng Met, na ginawang si Tesori ang unang babaeng kompositor sa 141-taong kasaysayan ng kompanya. Nagtatampok ang opera ng isang nakakahimok na batang opera star, si Emily D’Angelo, sa papel na isang woman fighter pilot.

“It’s just the most amazing material, with the most amazing team of people. It’s a gorgeous story. It is a meaningful human story about a person who, you know, seems so real. So, to have the opportunity to play this character and to sing music written by Jeanine Tesori, it’s impossible to turn down,” ani D’Angelo sa isang interview sa The Met.

Pinangunahan ng music director ng The Met na si Yannick Nézet-Séguin ang isang cast sa isang espesyal na screening ng Grounded, bahagi ng CCP The Met: LIVE in HD, isang programang nagdadala ng opera sa mga Filipino audience sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Opera ng New York, FOSFI, at Ayala Malls Cinemas.

Ang regular tickets para sa CCP The Met: LIVE in HD ay nasa P350. Students at young professionals ay magkakaroon ng discounts at mabibili sa P100 sa pagpapakita ng isang valid ID. Para sa tickets, magsadya sa Glorietta 4 Cinema ticket booth o mag-book via www.sureseats.com.

Para sa detalye hinggil sa CCP The Met: LIVE in HD, magsadya sa official CCP social media accounts sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at YouTube. Magsadya sa CCP website.