CCP magdiriwang ng ika-53 anibersaryo sa ‘Musikal II’

Sa selebrasyon ng kanilang ika-53 anibersaryo, magtatanghal ang Cultural Center of the Philippines ng isang one-night musical spectacle sa Setyembre 10, ganap na alas-8:00 ng gabi sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

Tinawag na “Musikal II”, ang gala ay magbibigay ng isang masiglang simula sa paglilipat at pagpapabuti ng CCP Main Building na magdadala nito sa pinakamahusay na mga pasilidad sa mundo. Ang gusali ng CCP ay isasara simula Enero 1, 2023, para sa rehabilitasyon sa loob ng dalawang taon.

Ang “Hanggang sa Muli” na palabas ay magsisimula sa isang gala 8 na binubuo ng mga awitin mula sa original Filipino musicals mula 2015 hanggang 2021.

Itatampok dito ang mga awitin mula sa Eto Na! Musikal nAPO!, Kanser the Musical, Felix Starro, Ang Larawan, LapuLapu, ang Datu ng Mactan, Guadalupe, Awitin Mo at Isasayaw Ko, F(r)iction, Changing Partners, Ang Huling El Bimbo the Musical, Binondo, A Tsinoy Musical, Dekada ‘70, A Game of Trolls, Mabining Mandirigma A Steampunk Musical, Aurelio Sedisyoso A Rock Sarswela, The Quest for the Adarna, Ding Ang Bato, Kung Paano Ako Naging Leading Lady, Himala, Isang Musikal, at Daluyong ng Diwa.

Ang mga pangunahing artista ay mula sa iba’t ibang theater companies na magtatanghal sa palabas. Ang mga ito ay sina Bituin Escalante, Bayang Barrios, Arman Ferrer, Shiela Valderrama-Martinez, Carla Guevara Laforteza, Sandino Martin, Reb Atadero, Delphine Buencamino, Topper Fabregas, Upeng Fernandez, Vic Robinson, Ricci Chan at Juliene Mendoza.

Sa creative at production team ay sina Menchu Lauchengco-Yulo, director, Ejay Yatco at Vince De Jesus, musical directors/arrangers, choreographers Daniel Cabrera at PJ Rebullida, Lights Designer John Batalla, Sound Engineer Aji Manalo, Set Designer Ricardo Eric Cruz, Technical Director Dong Calingacion, at Stage Manager Ed Murillo.

Ang dalawang bagong komposisyon ni Vince De Jesus, na espesyal na kinomisyon para sa Musikal II ang siyang magiging highlight ng production. Pinamagatang Muling Gisingin at Nandito Pa Rin Ako, ang itatanghal ng all-star cast.

Naisip ni Yulo ang Musikal II upang ihayag ang pagbabalik ng Filipino musicals.

Ang event ay invitational pero may mga seksyon na libre at bukas sa publiko. Ang tickets para sa publiko ay ibibigay sa CCP Main Ramp dalawang oras bago ang pagtatanghal sa isang first-come, first-served basis.

Ang palabas ay magiging live streamed sa CCP Facebook page.

Mangyaring suriin ang health and safety protocols sa https://bit.ly/staysafeatCCP. Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP (www.culturalcenter.gov.ph) at sundan ang official CCP social media accounts sa Facebook, Twitter at Instagram para sa latest updates.