Catherine Joy Legaspi ng San Manuel waging Queen Isabela

Ang mga kinilalang talino at ganda sa ginanap na Queen Isabela 2023. Mula sa kaliwa ay sina 2nd Runner Up Cherie Lee Garlijo ng Alicia, Queen Isabela Culture & Arts Johanna Trisha Cinco ng Ramon, Queen Isabella Catherine Joy Legaspi ng San Manuel, Queen Isabela Tourism Juliemae Villanueva Cauayan City, at 1st Runner Up Jaycel Lumauig ng Indigenous People Community. Ang beauty pageant na ito ay bahagi ng 2023 Bambanti Festival. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Kasabay ng 2023 Bambanti Festival, tunay na inaabangan sa lalawigan ng Isabela ang beauty pageant na Queen Isabela.

Kamakailan ay hinirang na Queen Isabela 2023 si Catherine Joy Legaspi ng San Manuel ng nabanggit na lalawigan.

Karaniwang malamig ang klima ng Isabela mula Disyembre hanggang Pebrero at paminsan ay umaabot hanggang Marso ayon sa mga lokal. Naramdaman namin ang lamig ng Ilagan na humatak sa 19°C partikular noong Coronation Night ng Bb. Isabela.

Sa nasabing okasyon, hindi maawat ang init sa nerbyos ng maraming manonood kung sino ang papalaring reyna sa gabing ‘yon.

Umabot sa 29 ang naggagandahang dilag na mula sa iba’t ibang bayan ng Isabela ang lumahok sa pageant na ito. Ang korona bilang Queen Isabela ay naiuwi ni Catherine kasabay ng P50,000 cash bilang kanyang premyo.

Si Queen Isabella 2023 Catherine Joy Legaspi ng San Manuel sa kanyang mala-reynang gown. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Sa pagkapanalo ni Catherine, hindi niya naitago ang kanyang emosyon para rito at ipinoste sa kanyang Facebook account…

“Lately I’ve been so mean with myself. I’m so focused on the woman I want to become and kept thinking that I’m still too far from the success I wanted to attain but then I realized that I’ve come so far already and the woman I am today is the person I wanted to be. I got so afraid of failing that I kept myself on track as possible, kept myself firm and created no room for mistakes but as I recollect, I saw that those failures are what made me this competent today and I can say that I failed many times, got disappointed with my own performance but learned from it and that is why I succeeded and so to everyone who’s fighting and anxious to fail, it’s okay, that’s valid but don’t let your negativity consume you, enjoy life and let things flow according on God’s divine will.

For the first time my dear San Manueleños, WE MADE HISTORY! I wouldn’t make it this far without your warm support and prayers.

And without the help of the people that has been very hands on all throughout, this wouldn’t be possible.”

Wagi ang mga dalaga ng Isabela sa ginanap na Queen Isabela 2023 kung saan inirampa rin nila ang kanilang mga gown. Mula sa kaliwa ay sina Queen Isabela Tourism Juliemae Villanueva Cauayan City, 1st Runner Up Jaycel Lumauig ng Indigenous People Community, 2nd Runner Up Cherie Lee Garlijo ng Alicia, Queen Isabella Catherine Joy Legaspi ng San Manuel, at Queen Isabela Culture & Arts Johanna Trisha Cinco ng Ramon. Ang pageant na ito ay bahagi ng Grand Coronation Night na ginanap sa Queen Isabela Park sa Ilagan City ng nasabing lalawigan. (Kuha ni Peter Pe, MD/Critical Beauty Philippines)
Si Queen Isabella 2023 Catherine Joy Legaspi ng San Manuel. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Samantala, nanalo bilang Queen Isabela Tourism si Juliemae Villanueva ng Cauayan City at Queen Isabela Culture & Arts na si Johanna Trisha Cinco mula sa bayan ng Ramon.

Gayundin kinilalang 1st Runner Up mula sa Indigenous People Community si Jaycel Lumauig at 2nd Runner Up si Cherie Lee Garlijo ng Alicia.

Hindi rin naman matatawaran ang kahusayan ng ibang binibini sa nakuha nilang mga parangal tulad ni Jon Jesusa Del Mundo ng Naguilian na nakakuha ng Best in Talent, at Jazkaren Corpuz ng Echague sa kanyang Best Creative Attire. Angat din sina Christine Mae Mapatac ng Roxas na ginawaran ng Best Portrait/Photogenic, habang si Juliemae Villanueva ng Cauayan City ay tinanghal na Best in Swimwear.