Capstone-Intel nanawagan sa DepEd na tugunan ang ‘education crisis’

Humihiling na magbigay-suporta sa mga estudyante, guro

Nananawagan ang Capstone-Intel Corporation sa Department of Education (DepEd) na kumilos sa sistemang nangyayari sa edukasyon sa bansa kaugnay ng kamakailang social listening report hinggil sa World Teachers’ Day kung saan inilabas dito na ang “education crisis” ay ang may pinaka-nakaeengganyong paksa sa lahat ng social media at non-social platforms bago ang isang buwang pagdiriwang.

Ang Capstone-Intel ay isang kompanya ng mataas na epekto ng pananaliksik na gumagamit ng mga makabagong teknolohiya, kagamitan, at mga pamamaraan sa pagsusuri upang isalin ang mga datos at impormasyon sa mga modernong kaalaman na naaaksyunang mga produksyon. Nakatuon ang ahensya na tulungan ang mga kliyente nito na malutas ang mga problema, humanap ng mga solusyon, palaguin ang mga merkado at nasasakupan, bumuo ng mga reputasyon, maiwasan ang mga peligro, at pamahalaan ang mga krisis; at maging nangungunang pribadong ahensya ng pananaliksik at intelihensya sa bansa.

Isiniwalat sa kamakailang social listening report mula sa Capstone-Intel na ang paksa o keyword na “education crisis” ay nakakuha ng 77.6% interaction sa lahat ng social at non-social platforms, na may pahiwatig na ang publiko ang pangunahing nagsasalita at nakikipagtalakayan sa paksa.

“This data illustrates the perception on the state of the education crisis in the country which was related to educational crisis. This would mean that the government should give its full attention to provide accessible and quality education for all,” ani Atty. Nic Conti, Chief of Public Affairs ng Capstone-Intel.

Isinagawa ang social listening report mula Agosto 1 hanggang Setyembre 8, 2023, saklaw ang mga mahahalagang pangyayari sa sektor ng edukasyon partikular ang Brigada Eskwela, pagbubukas ng mga klase, at paglulunsad ng taunang selebrasyon ng World Teachers’ Month.

Hindi binanggit sa ulat ang pangunahing mga isyu ng edukasyon sa bansa ngunit batay sa kamakailang datos mula sa DepEd, tumaas ang kakulangan sa mga silid-aralan na umabot sa 159,000.

Binigyan-pansin ni Conti ang isang kritikal na isyu, at napakagandang makita na nauunawaan ng administrasyon ang bigat ng sitwasyon.

Ayon sa DepEd, ang inaasahang kakulangan ng mga silid-aralan para sa darating na taon ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng paglalaan ng halos P400 bilyon, na halos 7% ng panukalang P5.768 trilyong National Expenditure Program para sa 2024. Kailangan ang malaking halagang ito upang matiyak na sapat ang mga silid-aralan at mga pasilidad ay maayos na ibinibigay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro.

“We understand that the lack of classrooms can lead to overcrowding, making it difficult for students to focus and learn effectively. The education system is complex, and there are many factors that need to be considered to ensure that it is effective,” dagdag ni Conti.

Naniniwala rin ang public affairs chief na ang paglago ng sistema ng edukasyon ay kinabibilangan ng higit pa sa pagkakaroon ng sapat na pondo.

“Aside from funding, students should receive high-quality education, which is the most critical of all. As new technologies such as AI continue to emerge and the education landscape evolves, it is crucial that teachers have equal and inclusive opportunities for training, professional development, and access to technology,” giit ni Conti.

“A well-developed education system is an essential component of a successful economy. Education is the key to unlocking the potential of the population, and a highly educated workforce can lead to increased productivity, innovation, and economic growth. Education is not only necessary for individuals to acquire the skills and knowledge they need to succeed in the workforce, but it also contributes to the development of a robust, dynamic economy,” dagdag pa niya.