Buwan ng Kalutong Filipino: Hapag ng cultural activities

Filipino Food Month na sa isang buwan!

Sa tema ng okasyon na “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin,” nagsagawa ng isang National Celebration at Media Launch noong March 21 sa Manila Metropolitan Theater bilang pasimula ng mga aabangan sa susunod na buwan.

Ang taunang Filipino Food Month o “Buwan ng Kalutong Filipino” ay may layuning panatilihin, pagyamanin, at itaguyod ang lutuing Filipino bilang bahagi ng pamana ng kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng bansa. Ang okasyong ito ay hapag ng mga aktibidad na pangkultura, isang proyektong ng Department of Agriculture sa pakikipagtulungan ng Philippine Culinary Heritage Movement (PCHM), Department of Tourism, at National Commission on Culture and the Arts.

Sa ginanap na National Celebration at Media Launch ng Buwan ng Kalutong Filipino naging bahagi rito sina (mula sa kaliwa) Oscar Casaysay, Executive Director ng National Commission on Culture and the Arts; Myra Paz Valderrosa-Abubakar, Assistant Secretary ng Department of Tourism- Mindanao; Zamzamin Ampatuan, Undersecretary ng Department of Agriculture; at Chef Jose Antonio Miguel Melchor, Founder at President ng Philippine Culinary Heritage Movement. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ayon sa PCHM, ang pagkaing Pilipino ay madalas na tinutukoy bilang isa sa mga pinakaunang fusion cuisines sa mundo, na ang ninuno nitong pagluluto ay naiimpluwensyahan ng karamihan ng nakapaligid na kapaligiran ng mga pamayanan ng mga tao at mga unang dayuhang bisita tulad ng mga Mexicano mula sa panahon ng kalakalang galleon at ang mga Muslim mula sa mga kalapit na bansa.

Naging bahagi rin ng pasinayang ito ang pagtatanghal ng Jose Rizal University Chorale at Sariaya Community Rondalla.

Inaasahan sa Abril na Buwan ng Kalutong Filipino ay siksik sa conferences, cooking shows, concerts, at iba pang events sa buong bansa.

Sa ginanap na media launch ng Buwan ng Kalutong Filipino naging bahagi rito sina (mula sa kaliwa) Engr. Christopher Morales, Regional Director at OIC-Assistant Secretary ng Department of Tourism; Myra Paz Valderrosa-Abubakar, Assistant Secretary ng Department of Tourism- Mindanao; Zamzamin Ampatuan, Undersecretary ng Department of Agriculture; at Chef Jose Antonio Miguel Melchor, Founder at President ng Philippine Culinary Heritage Movement. (Kuha ni Teddy Pelaez)