BSP sa mga bangko: Tanggapin ang nat’l ID bilang valid ID

Ang Philippine Identification System (PhilSys) card (PhilID) o national ID na dapat tanggapin ng mga bangko at iba pang financial institutions bilang primary valid ID, ayon sa direktiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mahigpit na ipinag-uutos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng bangko at financial institutions na nasa ilalim ng superbisyon nito na kilalanin at tanggapin ang Philippine Identification System (PhilSys) card (PhilID) o national ID bilang primary valid ID.

Sa direktibang inanunsyo nitong Miyerkoles, kailangang tanggapin ang naturang ID ito man ay nasa physical, digital (ePhilID) o iba pang recognized formats upang maging bahagi ng mabilis at epektibong financial transactions.

Ang naturang kautusan ay nakasaad din sa Republic Act No. 11055, o mas kilala sa Philippine Identification System Act, na kumikilala sa PhilID bilang isang maaasahan at kumpletong anyo ng pagkakakilanlan.

Ito ang nakasaad sa Republic Act No. 11055, o mas kilala sa Philippine Identification System Act, na kumikilala sa PhilID bilang isang maaasahan at kumpletong anyo ng pagkakakilanlan.

Kaugnay pa nito, base rin sa nakasaad sa Memorandum No. 2024-006 ng BSP na inilabas noong Pebrero 16, ang listahan ng mga katanggap-tanggap na valid ID ay dapat na kitang-kitang o ipinapakita ng mga bangko at BSP-supervised financial institutions sa mga counter at sa pampublikong pasukan ng kanilang mga establisemento. Ipinag-uutos din na dapat nakaposte ang listahan sa mga opisyal na website, social media accounts o pages, at iba pang mga channel ng impormasyon ng consumer at mga materyal na pang-promosyon.

 

Mga bangko at non-bank financial institutions na regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas

 

(Mula sa website ng Bangko Sentral ng Pilipinas)