
Nagliwanag ang kalangitan noong March 1 ng gabi sa isinagawang 12th Philippine International Pyrolympics Musical Competition (PIPC) sa SM By the Bay ng SM Mall of Asia sa Pasay City.
International teams ang naka-lineup sa competition na sinimulan pa noong February 15, tuwing weekend. Kahapon, March 1 ay ang Day 3 ng event kung saan nagharap ang mga husay ng Rozzi Fireworks ng USA at Steffes Ollig Feuerwerke ng Germany.

Sinimulan ang show ganap na ika-7:30 ng gabi kaya naman nabigyang-buhay ang kalangitan na kitang-kita sa Manila Bay na sadyang kinasabikan at kinaaliwan ng mga manonood.

Layunin ng PIPC
Ang layunin ng taunang event ay upang ipagdiwang ang complex at artistic integration ng pyrotechnics at musika, na lumilikha ng isang visually and audibly captivating experience para sa mga madla.

Ang mga kompetisyon na ganito ay nagsisilbing platform para sa skilled pyrotechnicians and choreographers mula sa iba’t ibang bansa upang ipakita ang kanilang talento at pagkamalikhain, na pinagsasama ang kagandahan ng mga paputok sa maingat na napiling musical scores.

Dito ay hinahamon ang mga kalahok na magdisenyo at magsagawa ng isang naka-synchronize na pagganap na hindi lamang nagha-highlight sa mga teknikal na aspeto ng mga paputok ngunit pinahuhusay din ang emotional at aesthetic na epekto ng kasamang musika.

Ang susunod na event ay sa March 8 sa paghaharap ng Faseecom Co Ltd. ng South Korea at Pyrotex Fireworx ng United Kingdom. Ang closing exhibition ng event ay sa March 15 sa tapatan ng galing ng Royal Pyrotechnie ng Canada at Platinum Fireworks Inc. ng Philippines.


