Bottled water mataas sa nanoplastics; delikado sa kalusugan

Mahilig ka sa bottled water na nabibili sa mga tindahan?

Based on a new study, ang mga bottled water na popular choice natin for hydration ay mataas sa nanoplastics at ito ay delikado sa kalusugan.

Ang bottled water ay naglalaman ng micro at nanoplastics. Delikado ang microplastics pero mas malala ang nanoplastics.

Nanoplastics are tiny particles, with a size ranging from one to one hundred nanometers, have the potential to invade the body’s cells, raising concerns about their impact on human health.

Nanoplastics are derived from the breakdown of larger plastic materials and can be found in various sources, kabilang ang tap water, seafood, at kahit pa ang hangin na ating nilalanghap. Gayunman, nadiskubre sa pinakahuling pag-aaral na ang bottled water ay naglalaman ng higher levels of nanoplastics kumpara sa ibang sources.

Ang nanoplastics particles na nasa bottled water are small enough (cannot be seen under a microscope) para makapasok sa tissues ng digestive tracts o sa baga, sa mga ugat, o cell membranes at ma-accumulate sa iba’t ibang organs, na may masamang mga epekto.

Ang nanoplastics ay maaaring makasira ng cellular function, trigger inflammation, and have mutagenic or carcinogenic properties – ibig sabihin maaaring magdulot ng cancer. Bukod dito, ang kanilang kakayahang sumipsip at magpanatili ng mga nakalalason na kemikal mula sa kapaligiran ay nagdaragdag ng mga alalahanin tungkol sa potensyal na paglipat ng mga harmful substance sa katawan ng tao. Habang ang long-term effects ng nanoplastics sa kalusugan ng tao ay patuloy pa ring pinag-aaralan, dapat ay magkaroon na rin tayo ng pag-iingat para rito.

 

Dami ng nanoplastics sa bottled water

Sa naging pag-aaral noon, natukoy na ang bawat contaminated one liter na tubig ay naglalaman ng isang average 10 plastic particle na lampas sa lapad ng buhok ng tao, bilang karagdagan sa 300 mas maliliit na particle. Gayunman, kalahating dekada na ang nakalilipas, ang pagsusuri ng small fragments na ito ay hindi nagagawa, walang paraan upang pag-aralan o diskubrihin ang small particles kung mayroon. Hindi talaga ito basta maanalisa.

Sa bagong pag-aaral, it has been found that the average quantity of plastic fragments present in a standard one-liter bottle of water is approximately 240,000 mula sa seven types of plastics kung saan 90% nito ay nanoplastics at ang natitira ay microplastics. Ito ang na-publish sa journal Proceedings of the National Academy of Sciences nitong linggo.