Bonggang-bonggang bougainvillea sa Meraki Garden

Isa lamang ito sa multicolored in one trunk na bougainvillea na matatagpuan sa Meraki Garden sa Reina Mercedes ng lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Ang lalawigan ng Isabela ay kilala bilang isa sa mga sentro ng agrikultura sa bansa kaya karaniwan na nakikita rito ay ang ekta-ektaryang lupain ng palayan. Ngunit bukod dito, mayroon ding ibang atraksyong panturista na talaga namang nakamamangha.

One of the attractions you can visit is the Meraki Garden in Reina Mercedes. They boast a great deal of bougainvillea flowers in various colors and sizes which definitely amplify the ambience of the place.

Hobby na nauwi sa mala-paraisong hardin

Tulad ng hardin, yumabong nang husto ang hobby ni Ms. Lyn Marcaida na siyang owner ng Meraki Garden.

Meraki, a Greek word that embodies the essence of pouring one’s soul, creativity, and love into something, served as the inspiration behind the genesis of this journey.

In September 28, 2021, during the peak of the COVID-19 pandemic, Ms. Lyn found herself confined to her residence in Cauayan dahil dinapuan din siya ng virus. Gayunman, nilibang niya ang sarili sa garden o sa paghahalaman.

“After no’n, naging addict ako sa bougainvillea. Bumili ako nang bumili ng bougainvillea at nilagay ko po sa aming bahay. Then, sabi ng mga anak ko, wala na kaming paradahan (sa dami ng bougainvillea).”

“Nasabi ko rin po sa asawa ko na kung puwede magbebenta na lamang ako ng bougainvillea para maging pera,” pagpapatuloy pa ni Ms. Lyn.

Nagsimula sila sa pagpuno ng bougainvillea sa 2,000 square meters na lupain. Napalaki ito nang husto at nagamit ang 2 hectares mula sa kabuuang 4.2 hectares lote nila sa Reina Mercedes. Sa lugar na ito makikita ang nasa 3,000 koleksyon ng bougainvillea kaya nagmistulang paraiso sa ganda at lawak. Malamig sa mata at nakatutuwang makita ang mga kulay nito mula sa pink, orange, white, violet at red.

Ang iba’t ibang bougainvillea na may iba’t ibang kulay at sukat. (Kuha ng Bilibb)

At Meraki Garden, you will find a diverse selection of bougainvillea, including grafted, exotic, bonsai, and giant varieties. Some notable cultivars include Pink Panther Taiwan, Moonlight Jewel, and Forest, among others. Additionally, the garden proudly showcases a remarkable 115-year-old bougainvillea that continues to bloom with stunning beauty.

Ang isang bahagi ng playground sa Meraki Garden. (Kuha ng Bilibb)

Initially, there was no charge for entry into the garden. However, as the number of visitors grew, an entrance fee of P30 was implemented, which has now been increased to P50. The reason for this fee adjustment is the continuous influx of visitors who are attracted to the remarkable beauty of the garden. Notably, Meraki Garden has been recognized as the top tourist destination in Isabela for two consecutive years.

Ang mga bougainvillea na nasa Meraki Garden ay mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Mindoro, Iloilo, Romblon, at Isabela. Ang iba sa mga ito ay ibinibenta sa iba’t ibang halaga depende sa klase.

Maliban sa mga bulaklak ay mayroon din silang mga palaruang pambata, restaurant gaya ng Taverna Café, at iba pang lugar na magandang kuhanan ng larawan. Maaari ring humiram ng electric bicycles sa halagang P80 o P120, depende sa modelo, upang malibot ang lugar.

According to Ms. Lyn, she has always been meticulous and particular about these plants, so she always roams around the garden and looks at each bougainvillea in detail to determine which is needed to keep it thriving.

Iba rin ang ambience ng Meraki Garden sa gabi dahil mistulang Pasko sa dami ng ilaw na nakapalibot sa buong lugar, pati na rin sa bawat bougainvillea.

Ito ang Meraki Garden na may tinatayang 3,000 bougainvillea na patuloy na nag-aanyaya sa gabi dahil sa buhay na buhay sa ganda. (Kuha ng Bilibb)

Sa ganda ng Meraki Garden ay all-time favorite silang kunin bilang wedding place, reception, at iba pa kabilang na ang pagiging host nito sa isinagawang “Fun Shoot” ng Queen Isabela 2024.

Ang owner ng Meraki Garden na si Ms. Lyn Marcaida (gitna) na naging host sa isinagawang “Fun Shoot” ng 28 candidates ng Queen Isabela 2024 noong January 20 sa Reina Mercedes ng lalawigan ng Isabela. (Lyn Mercaida | Facebook)
Si Ms. Lyn Marcaida, ang owner ng Meraki Garden sa Reina Mercedes ng lalawigan ng Isabela. (Lyn Mercaida Facebook)

Meraki Garden

Brgy. Napaaccu Pequeno,

Reina Mercedes 3305, Isabela.

Operation: daily, 6:30 AM to 10 PM

Admission fee: P50