BIR: Life-saving, maintenance na mga gamot VAT-exempt na

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umabot na sa 59 life-saving at maintenance na mga gamot ang wala nang value added tax (VAT). Ang mga gamot na ito ay mahalaga para sa iba’t ibang kondisyong medikal gaya sa cancer, mental illness, hypertension, diabetes, sakit sa bato, at tuberculosis.

Ang VAT exemption ay nasa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 17-2024. Gayundin, ito ay bilang rekomendasyon ng Food and Drug Administration at alinsunod sa Republic Act No. 10963, karaniwang kilala bilang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law.

Ang desisyong ito ng BIR ay sumasalamin sa isang pangako na unahin ang kapakanan at pinansiyal na kaluwagan ng mga indibidwal na umaasa sa mga gamot na ito upang epektibong pamahalaan ang kanilang mga kondisyon sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagbubukod sa mga mahahalagang gamot na ito mula sa VAT, layunin ng gobyerno na pagaanin ang pinansiyal na pasanin na kinakaharap ng mga pasyente sa pag-access ng mga mahahalagang paggamot para sa kanilang mga karamdaman.

Samantala, ikinatuwa naman ito ni Department of Health Secretary Teodoro Herbosa dahil malaking tulong ito sa mamamayan.

“I welcomed that because these are the drugs that are needed by people who are really sick, so VAT exemption is very important in lowering the price of the medicine. Mas marami akong mabibigyan with the budget that legislation gives me. Kung mura ang medicines because of removal of the VAT, malaking tulong yun,” ani Herbosa.