Binurda concert ng CCP bukas sa publiko sa Disyembre 15

Inihahandog ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang natatanging konsyertong hinabi mula sa makukulay na textile patterns at motifs para sa Kapaskuhan na ilulunsad sa Disyembre 15, 2022, 5:30 ng hapon na may kasamang holiday extravaganza tampok ang kilalang artists at performers sa bansa.

Tinawag na “Binurda,” ang harapan ng CCP façade ay may magagandang palamuti bilang pamana ng pagbuburda sa Pilipinas, na binibigyang-diin ang pagbabago ng mga kultural na tradisyon na kaakibat ng habi ng mga kuwento ng mamamayang Pilipino.

Ito ay sa konseptuwalisasyon ng CCP Production Design and Technical Division chief na si Ricardo Eric Cruz kasama ang kanyang team, ang Christmas façade décor ay tumatampok sa callado, ang kumplikadong embroidery at needlework detailing sa piña jusi textile.

Orihinal sa Pilipinas, at itinuturing na isa sa mga pambansang bulaklak nito, ang sampaguita ay kadalasang ibinibigay para salubungin, ipadala, at ipakita ang pagpapahalaga sa pamilya, kaibigan at panauhin. Para sa CCP, ito ay isang angkop na “grand facade” na kilos ng pagpapahalaga sa aming mga manonood na sumuporta sa premiere arts institution sa nakalipas na 53 taon.

Ang tone-on-tone na disenyo ng CCP holiday decoration ay nagbibigay ng isang understated elegance sa façade sa araw, at walang putol na paglipat sa isang nakasisilaw na liwanag na panoorin sa gabi.

Sa pagsasara ng Main Building para sa renovation at restoration sa darating na mga taon, ang Binurda ay sumisimbo sa atisipasyon ng mga tao at sa masining na pangako ng pangako ng sariwang pamumulaklak ng isang bagong institusyon ng kultura at sining.

Sa isang festive tapestry, ang dekorasyon sa façade ay sasabayan ng isang enggrandeng konsyerto, tampok ang pagtatanghal ng Bayanihan, The National Dance Company of the Philippines, the Nightingales, the Male Ensemble of the Philippines (MEP), at mga surpresang pagtatanggal.

Sa direksyon ni Dexter Santos, ang konsyerto ay mahahati sa iba’t ibang ayos na magsasama-sama sa mga Pilipino– ang Tanglaw Ng Hiraya, Pagmamapa sa Padron at Pinagmulan, Pagtatahi ng Ugnayan, Pagbubuhol at Pagbibigkis, at Paglaladlad at Pagdiriwang.

Ang bawat ayos ay magtatampok sa iba-ibang music genres na sumasaklaw sa iba’t ibang panahon at kapaligiran. Dinadala ng unang suite ang mga manonood sa isang paglalakbay sa lupain ng mga pangarap na manghahabi sa Timog Pilipinas; sa pangalawang suite, ito ay nakatuon sa kultura, musika at sayaw ng Muslim Filipino.

Ang ikatlong ayos ay higit na magbibigay sigla sa universality of faith, highlighting ecumenical elements; habang ang ikaapat ay mabibigay tuon sa familial ties and relationships. Ang konsiyerto ay magtatapos sa mga komunal na pagdiriwang.

Ang Binurda concert at lighting event ay bukas sa publiko. Ang façade decorations ay makikita hanggang Enero 2023.

Dahil sa patuloy na pandemya, ang new normal protocol ng CCP ay patuloy na isasagawa. Ang lahat ay pinapayuhan na magsuot ng facemasks sa pagpasok sa premises at dalhin ang vaccination card/certificate (e-copies ay pinapayagan). Tingnan ang CCP’s new normal protocol dito: https://bit.ly/CCPNewNormalProtocol2022.

Sundan ang official CCP social media accounts sa Facebook, Twitter, Instagram at Tiktok para sa latest updates.