Binibining Santolan nagbabalik

Makalipas ang dalawang taon, muli na namang masasaksihan ng mga taga Pasig City ang taunang Binibining Santolan ang isa sa pinakaprestihiyoso at malaking pageant ng lungsod na idinaraos kaugnay ng Pakalog Festival tuwing huling linggo ng Disyembre.

Nagsimula noong 2001, ang Binibining Santolan ay naging daan sa showbiz career ni Bea Alonzo kung saan itinanghal siyang 3rd r-up at ma-discover ng noo’y pageant judge at sikat na Fashion Designer na si Oskar Peralta.

Sa pamumuno ng ni Brgy. Captain ng Brgy. Santolan na si Riccio Echie Ramoskatuong, katulong ang mga kagawad na sina Zandro Cruz at Winnie Samson Cartativo ay muli nilang ibinabalik ang pinakahihintay na pageant na pansamantalang natigil dahil sa pandemya. Ang 2022 pageant edition ay directed by Qieen MC, isang established events and production coordinator at talent manager.

Ang mga kandidata sa gaganaping Binibining Santolan 2022. (Larawan mula sa Bb. Santolan Facebook page)

Dahil sa laki ng papremyo ng mga mananalo, maraming kababaihan ng Santolan, Pasig ang nahikayat na sumali sa pageant. Ang mga mananalo rito ay tatanggap ng Binibining Santolan 2022 title at P100,000; Lakambini ng Santolan P50,000; Diwata ng Santolan P30,000; 1st runner up P20,000; at 2nd runner up P10,000.

Idaraos ang ilang pre-pageant activities sa December 19, TalentNihjt; Pre-pageant sa Dec.22 sa Our Lady of Perpetual Help School. Ang Grand Coronation ay sa December 29, 30227 sa  Il Centro, Sta Lucia Mall, Pasig CIty.

Si Bea Alonzo (candidate number 9) nang sumali noon sa Bb. Santolan 2001. (Larawan mula sa The Philippine Pageantry)