Big-time sa taas-presyo ng petrolyo asahan

Asahan ang big-time sa pagtaas ng presyo sa lahat ng produktong petrolyo sa Martes, Agosto 1.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na linggo hinggil sa oil price hike na naitala.

Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P3.20 – P3.50 kada litro

Gasoline: P1.90 – P2.10 kada litro

Kerosene: P2.90 – P3.20 kada litro

Sa naging pahayag ng Department of Energy kahapon, ang pagtaas ay ang mga epekto ng pagtaas ng interes ng US at European Central Bank, na nilalayong i-offset ang epekto ng mga pagbawas sa supply ng langis ng Saudi Arabia, na hindi dumating sa oras para sa kalakalan ngayong linggo.