BGC bus may ruta na sa LRT Gil Puyat

(Larawan mula sa Wikimedia Commons)

May bagong ruta ang Bonifacio Global City (BGC) bus sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Gil Puyat Station sa Pasay papuntang BGC sa Taguig upang maging madali ang pagbiyahe ng mga pasahero.

Sinimulan ang bagong operasyon ng BGC bus noong Mayo 20 ngunit dahil bago ay paunti-unti muna ang schedule nito na magsisimula ng ika-6:00 ng umaga hanggang ika-10:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang naka-iskedyul na ruta ng bus ay dumadaan sa One Ayala Terminal at sa McKinley Exchange Corporate Center.

Dalawa lamang ang terminals para sa BGC buses na matatagpuan sa McKinley Road sa Makati City, kanto ng EDSA, habang ang isa ay nasa likod ng Market! Market!, katapat ng C-5.

Kasalukuyan pa ring P15 ang pamasahe sa BGC bus at dapat ito ay loaded sa beep card para sa contactless payment.