
Pormal na inilunsad ng Abby Skin Care ang kanilang skincare line noong June 27 sa Seda Hotel, BGC sa Taguig City kung saan ibinahagi ng founder nito ang inspirasyon sa likod ng brand at ang kanilang layuning maghatid ng safe, effective, at science-backed skincare sa mas maraming Pilipino.
Ang Abby Skin Care ay itinatag at pinamumunuan ni Ms. Ernaby “Abby” Odiamar-Paclibar, isang licensed esthetician na nagsimula bilang isang Wound Care Specialist sa Amerika. Bago itinatag ang Abby Skin Clinic sa California noong 2008, nakakuha si Ms. Abby ng malawak na karanasan sa pagtatrabaho sa mahigit 40 healthcare facilities sa Bay Area. Ang karanasang ito ay hindi lamang nagpalalim ng kanyang pag-unawa sa skin health kundi pati na rin nagpayaman sa kanyang paraan ng pag-aalaga sa mga pasyente.
Si Miss Abby ay mayroon ding Bachelor of Science degree sa parehong Physical Therapy at Nursing at siya ay isang Registered Nurse. Kaugnay nito, nakakuha siya ng Master of Business Administration mula sa California Southern University, nagtapos bilang na Magna Cum Laude. Bukod dito, siya ay isang Harvard-certified Health and Wellness Coach at aktibong pinahuhusay ang kanyang kaalaman sa skin health at aesthetics sa pamamagitan ng iba’t ibang specialized training.
Ayon sa kanya, ang ideya ng pagtatayo ng sarili niyang skin clinic ay nagsimula habang nagtatrabaho siya sa United States. Aminado siyang napabayaan niya ang sarili dahil sa pagiging abala sa trabaho, dahilan upang mas maunawaan niya ang kahalagahan ng accessible at quality skincare.
Ibinahagi rin ni Ms. Abby ang three guiding principles na naging pundasyon ng Abby Skin Care sa loob ng halos 18 taon sa industriya: Purpose, Perseverance, at People First. Partikular niyang sinabi ang prinsipyo ng “People First,” na binibigyang-diin na ang kaligtasan ng pasyente ang kanilang pangunahing prayoridad sa bawat serbisyo at produktong ibinibigay. Katunayan, ipinagmamalaki ng Abby Skin Care na maglingkod sa clients sa tatlong pangunahing lokasyon sa buong Estados Unidos: Union City, CA, Concord, CA, at Las Vegas, NV.
Kasama rin ni Ms. Abby sa pagbuo ng brand ang kanyang asawa na si Dominic, isang nurse practitioner sa United States. Ayon sa kanila, malaking bahagi ng kanilang vision ang pagsasama ng healthcare at aesthetics upang makapagbigay ng evidence-based skincare solutions.
“As a registered nurse, a physical therapist, and a Harvard-certified health and wellness coach, I always prioritize safety prior to beauty because it’s very important. So, I’m very happy to see the arrival of Abby Skin Care in Manila…because the glow has arrived in Manila,” ayon kay Ms. @Abby Odiamar-Paclibar, Abby Skin Care CE, na proud sa kanilang products dahil ang mga ito ay meticulously customized at formulated sa United States, Japan, at South Korea.

Isa sa ipinagmamalaking bahagi ng nagpapatuloy na tagumpay ni Ms. Abby ay ang beauty queen na si Ms. Ritchie Ocampo, Mutya ng Pilipinas–Asia Pacific 1999, na latest celebrity-endorser/entrepreneur ng Abby Skincare products na available sa bansa.
Bagama’t patuloy ang paglago ng Abby Skin Care, nilinaw ni Ms. Abby na hindi nila minamadali ang pagbubukas ng sariling clinic sa Pilipinas.
“I don’t want to open a clinic just for the sake of opening one,” aniya nang tanungin kung kailan siya magbubukas ng clinic sa bansa. Mas mahalaga umano sa kanila ang mapanatili ang kalidad ng serbisyo kaysa sa mabilis na expansion. Sa kasalukuyan, isa sa mga priority ng kompanya ang paglawak ng operasyon sa India, ngunit magiging available na ang iilan sa kanilang skincare products sa Pilipinas.
Maaaring mabili ang Abby Skin Care products sa Premier Skin Clinic sa Newport City, Pasay, at Curves and Beauty sa San Juan, Metro Manila.
Nag-aalok rin ang Abby Skin Care ng partnership opportunities para sa mga negosyanteng interesado magbenta ng Abyy Skin Care products. Ayon sa brand, layunin nitong mas mapalawak ang access sa kanilang science-backed skincare products sa iba’t ibang bahagi ng bansa habang nagbibigay rin ng oportunidad sa mga nais magsimula o palaguin ang kanilang negosyo.
Sa mga interesado, ito ang kanilang contact information:
Sa halos dalawang dekada mula nang maitatag ito sa California, dala pa rin ng Abby Skin Care ang kanilang misyon, ang maghatid ng safe, effective, at science-backed skincare na makatutulong sa mga tao na maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili. At ngayon, handa na rin itong mas makilala ng mga Pilipino.

