Beauty tip: Gupitin ang containers para masimot ang products

Sa taas ng mga presyo ng bilihin, bills at iba pang gastusin ay para-paraan talaga kung paano makatitipid.

Sa items tulad sa beauty products na binili, malaking bagay din na simutin ito nang maigi. Kahit isang item lamang iyan ay lahat ng indredients at packaging na ginawa riyan ay binayaran mo. Subukan na kapag wala nang nalabas sa tube o container, gupitin ito para masimot. Ang inaakala mong ubos na ay mayroon pa pala.

Maaaring gawin ito sa mga tube ng toothpaste, beauty cream, facial wash at iba pa.

Sa bottles tulad ng shampoo o conditioner na ubos na, maaaring lagyan ito ng kaunting tubig, i-shake saka gamitin.

Huwag mahiyang magtipid, dahil kung tutuusin ikaw naman ang nagastos at alam mo dapat kung paano nauubos nang maayos ang iyong pera.