Bawas-presyo sa petrolyo nakaamba

May ikatutuwa ang mga motorista dahil may inaasahang malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinatayang adjustment sa Pebrero 7, Martes sa mga presyo ng mga sumusunod:

Diesel: P2.40 – P2.70 kada litro

Gasoline: P1.90 – P2.20 kada litro

Kerosene: P2.00 – P2.36 kada litro

Ang adjustment sa presyo ng petrolyo ay base sa apat na raw na average na presyo sa pagdaigdigang merkado.