Bawang, karneng baboy kinukulang ng suplay

Pagkatapos ng ilang linggong nagdaan sa pagbalita ng kakulangan ng suplay sa puting sibuyas, may problemang pang-ekonomiya na namang kinakaharap ang mga Pilipino ngayon.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) ay kulang ang suplay ngayon sa bawang at karneng baboy.

Sa unang bahagi ng taon ay higit 4,000 metriko tonelada lamang ng lokal na bawang ang nailabas sa merkado. Dahil sa kakulangan, kinailangang umangkat ng bansa ng mahigit 23,000 metriko tonelada nito.

Problema rin ngayon ang kakulangan ng karneng baboy. Kulang ang bansa ng 1.688-M tonelada ng karneng baboy. Kulang ito dahil ang demand ay nasa 1.785-M tonelada. Magiging problema ito sa pagpasok ng ‘ber’ months.

Sapat naman ang suplay ng isda ngunit nagtaas ang presyo nito sa ilang merkado dahil sa nagmahal ang pakain sa mga ito. Itinuturong dahilan nito ang hidwaan sa pagitan ng Ukraine at Russia. Gayundin, dahil sa pagsirit ng presyo ng krudo ay nagtaas din ang presyo ng isda sa ibang pamilihan.

Samantala, kamakailan lamang ay ibinalita rin ng DA na nagtutulong-tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaang gobyerno upang tutukan ang isyu sa kakulangan din ng suplay ng asin.

Dito sinabi ng naturang ahensya na sa ngayon ay umaangkat ang bansa ng 93 porsyento ng asin gayong mayroon tayong 36,000 kilometro ng baybayin.31