Bataeños nananawagan ng pagkalinga sa kalikasan

Ang mga batang Bataeños na nananawagan ng tulong sa pagkalinga sa kalikasan. Nagsagawa ang kanilang grupo ng paglilinis sa isang mangrove sanctuary sa Brgy. Camachile, Orion, sa lalawigan ng Bataan.

Bilang pagkilala sa World Environment Day ay lumikha si Eric Beren, Secretary General ng Young Bataeños for Environmental Advocacy Network (YoungBEAN), ng isang pahayag para sa lahat na bigyang proteksyong ang kalikasan.

“We, young Bataeños, are thus compelled to take it as our role and responsibility to protect Mother Nature and, consequently, to contribute to the common good for the protection of our future,” ani Beren sa isinagawa nilang World Environment Day awareness at coastal clean-up activity sa isang mangrove sanctuary sa Brgy. Camachile, Orion, sa Bataan.

Upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa maraming mga isyung pangkapaligiran na kinahaharap ng mundo ngayon at para mahikayat ang mga tao na kumilos para protektahan ang kapaligiran, ang YoungBEAN, sa pakikipagtulungan ng Nuclear/Coal-Free Bataan Movement, PANGISDA Bataan, at Sangguniang Kabataan ng Barangay Camachile, inilunsad ang coastal clean drive.

Gayundin, hiniling ng grupo na unahin ng gobyerno ang mga karapatan at kapakanan ng kapaligiran at mga komunidad kaysa sa mga hinihingi ng mapolusyon at mapanirang mga negosyo na pumipinsala sa kapaligiran at karapatang pantao dahil nakatutulong ito sa krisis sa klima at pagtaas ng pinsala sa kapaligiran.

Nanawagan si Beren sa gobyerno na bigyang-pansin ang mga alalahanin ng mga mahihinang grupo, kabilang ang mga kabataan, na apektado ng matinding pagkasira ng kapaligiran at krisis sa klima.

“Kaming mga kabataan ay apektado ng pagkasira ng kalikasan. Marami sa aming pamilya ay umaasa sa biyaya ng kalikasan, tulad ng karagatan, kung nalalason na ang karagatan dahil sa polusyon at direktang pagwasak.  Saan pa kukuha ng kabuhayan ang aming mga magulang, paano na ang aming pagkain, pag-aaral at ang aming kinabukasan?” ani Beren.

“We need to stand up for environmental justice not just for Bataenos, but also for the Filipino youth because we refuse to leave an uncertain future for our youth. We believe that the environmental and climate crisis can be addressed, but only if we start doing what is good for the environment-that is to stop the destructive activities and to hold the polluters responsible and liable for the damage they’re causing,” dagdag naman ni Derek Cabe, Coordinator ng Nuclear/Coal-Free Bataan Movement.