
Masigla at makulay na kapistahan ba ang hanap? Tara sa norte – silipin natin ang Isabela para sa natatangi nilang Bambanti Festival.
Ang bambanti ay salitang Ilokano na sa Tagalog ay espantaho, at scarecrow naman sa Ingles. Ito ang inilalagay sa gitna ng mga taniman tulad ng palayan upang hindi madapuan ng mga ibon na sisira sa mga pananim.
Bambanti ang ibinibida sa kapistahan dahil kilala ang Isabela bilang ikalawang producer ng bigas sa bansa at marapat lamang na simbolo ito sa pagiging masipag at handa sa hamon para magpatuloy pang pinakamalaking ekonomiya sa Region 2. Pagdiriwang din ito sa masaganang ani ng kanilang mabiyayang lupa.
Sa kapistahan ding ito, na nasa temang “Ang Piyesta ng Bagong Pilipinas” ay naipamamalas ang imahe ng lalawigan na nagpapakilala ng kanilang sining, turismo, ekonomiya at iba pa na tunay na yaman ng mga Isabeleño.


Bambanti Festival sa pagdaan ng panahon
Marso 14, 1997 nang magsimula ang Bambanti Festival na noo’y bahagi lamang ng pagdiriwang ng Araw ng Isabela.
Sa paglipas pa ng panahon, dahil naipakikilala ng kapistahang ito ang imahe ng lalawigan sa buong bansa ay naging daan din ito para maging independent event noong 2013.
Kalaunan pa, kinilala rin sa buong mundo ang Bambanti Festival dahil sa kahusayan at daming lumahok ditong mga mananayaw mula sa mga bayan ng Isabela. Noong January 25, 2019 ay nagkamit ng Guinness World Record ang lalawigan dahil 2,495 performers ang nagsuot ng bambanti costumes na sabay-sabay na sumayaw sa City of Ilagan. Ang bilang na ito ay nilampasan ang tanging bilang na kinakailangan lamang na 250 performers.
Ngayon, ang kapistahan ay nasa ika-28 na nitong taon at patuloy pa ring kinikilala.

Sa kapistahang ito, iba’t ibang aktibidad ang pinagkakaabalahan ng mga lokal gayundin ng mga dayo sa halos isang lingo pagdiriwang.
Kabilang sa okasyon ang Street Dance at Dance Showdown Competition na ang tema ay may kaugnayan sa bambanti.
Ang Bayan ng Jones ang naging champion sa Street Dance competition – Category A at nakakuha ng titulong Foreign Ambassadors’ Choice Street Dance.

Mga higanteng bambanti rin ang tatambad sa publiko sa Agri-Ecotourism booths na nasa loob ng Bambanti Village sa tapat ng Kapitolyo kung saan malalaman at mabibili rin ang iba’t ibang produkto at serbisyo ng Isabela.

Street Dance Competition bida ng kapistahan
Ang Street Dance competition ay aktibidad na bida ng okasyon dahil sanib-pwersa ang mga bayan ng Isabela para ipamalas ang kani-kanilang husay sa pagsasayaw. Hindi rin naman matatawaran ang natatangi’t makukulay nilang mga kasuotan kasabay ng buhay na buhay na pag-indak nang may tatlong minuto.
Sa edisyon ngayon ng Bambanti Festival ay 1,300 dancers ang nakibahagi mula sa 10 munisipalidad at tatlong lungsod ng Isabela. Ito rin ang nagpahanga sa mga manonood sa City of Ilagan Sports Complex. Dahil kilala ang kapistahan, maging ang ambassadors mula sa 24 bansa ay natuwa rito sa kanilang pagbisita at naging bahagi ng mga hurado para sa kompetisyon.


“The Bambanti Festival was one of the largest I’ve seen in the Philippines, with an enormous number of dancers, all very talented,” ani Ambassador Ricardo Luis Bocalandro ng Argentina, batay sa Facebook post ng Isabela PIO.
Ang Bayan ng Jones ay kinilalang Best Street Dance sa Category A at nakamit ang titulong Foreign Ambassadors’ Choice Street Dance.
Ang okasyon ay ipinagmamalaking proyekto nina Isabela Governor Rodolfo Albano III, Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III na siyang director-general ng Bambanti Festival 2025, sa pakikipagtulungan ni Nilo Agustin na overall Festival Director, at iba pa.

Concerts at iba pa
Sa pistang ito mas buhay at nag-ingay din ang mga manonood sa pagtatanghal nina Ely Buendia, Bea Alonzo, Moonstar 88, Maki, Batang Regasco, at ilan pang performers.

2025 Bambanti Festival Winners
Sa edisyon ngayon ng Bambanti Festival, hinirang ang City of Ilagan bilang Overall Champion.
Overall Winner – City of Ilagan with P1 million worth of projects | Mayor Josemarie Diaz
(1st Place: Best Giant Bambanti Installation, Category A | 1st Place-Ambassadors’ Choice: Best Festival Dance Showdown Contingent, Category A | 1st Place: Best Agri-Ecotourism Booth, Category A | 2nd Place: Best Street Dance Contingent, Category A | 3rd Place: Best Festival King Costume, Category A | 2nd Place: Best Festival Queen Costume, Category A | 1st Place: Bambanti Festival King, Category A | Bambanti Festival Queen, Category A)
First Runner-Up – Luna with P750,000 worth of projects | Mayor Adrian Leandro Tio
(1st Place: Mainum Ti Isabela | 3rd Place: Best Festival King Costume, Category B) | 1st Place: Best Festival Dance Showdown Contingent, Category B | 1st Place: Best Street Dance Contingent, Category B | 1st Place: Bambanti Festival King, Category B | 2nd Place: Best Festival Queen Costume, Category B | 1st Place: Bambanti Festival Queen, Category B)
Second Runner-Up – Cauayan City with P500,000 worth of projects | Mayor Caesar Dy Jr.
(4th Place: Best Giant Bambanti Installation, Category A | 2nd Place: Best Agri-Ecotourism Booth, Category A | 4th Place: Best Festival Dance Showdown Contingent, Category A | 5th Place: Best Street Dance Contingent, Category A | 2nd Place: Bambanti Festival King, Category A | 4th Place: Mainum Ti Isabela | 2nd Place: Bambanti Festival Queen, Category A)
Third Runner-Up – Alicia with P300,000 worth of projects | Mayor Joel Amos Alejandro
(2nd Place: Best Giant Bambanti Installation, Category A | 3rd Place: Best Agri-Ecotourism Booth, Category A | 3rd Place: Best Festival Dance Showdown Contingent, Category A | 4th Place: Best Street Dance Contingent, Category A | 4th Place: Best Festival King Costume, Category A | 4th Place: Best Festival Queen Costume, Category A | 4th Place: Bambanti Festival King, Category A | 4th Place: Bambanti Festival Queen, Category A | 2nd Place: Mainum Ti Isabela)
Fourth Runner-Up – Echague with P100,000 worth of projects | Mayor Francis Faustino Dy
(2nd Place: Best Festival Dance Showdown Contingent, Category A | 3rd Place: Best Street Dance Contingent, Category A | 2nd Place: Best Festival King Costume, Category A | 3rd Place: Best Festival Queen Costume, Category A | 5th Place: Bambanti Festival King, Category A | 5th Place: Bambanti Festival Queen, Category A)

5. San Isidro
