Bambanti Festival: Larawan ng AgriKulturang nag-uumapaw

Ang bambanti na entry ng bayan ng Dinapigue na nagwagi sa Giant Bambanti competition, Category A. Ang bambanti na ito ay may pangalang Queen Scarlett na ginawa mula sa 40-45 kilong daing na sapsap. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Tulad ng pagtatanim ng mga mais at palay laging inaasam na marami ang makatitikim nito at magbibigay kasiyahan sa lahat mula sa magandang pag-aani. Ganito rin naman ang naging simulain sa pagkakaroon ng Bambati Festival na tunay na ipinagmamalaki ng lalawigan ng Isabela.

Unang idinaos ang Bambanti Festival noong Marso 14, 1997 sa layuning maingat ang pagkakakilanlan ng Isabela sa larangan ng mayamang agrikultura partikular sa kanilang mga magsasaka, kultura, at turismo.

Ang bambanti ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay scarecrow o panakot sa mga ibon, peste at iba pang banta sa palayan at maisan.

Ang Bambanti Festival ay tinaguriang “Ina ng mga Kapistahan” at opisyal na kapistahan ng Isabela.

Sa mga nakaraang taon bahagi lamang ang Bambanti ng selebrasyon ng Araw ng Isabela. Naging independent event ito noong Enero 2013 at ipinagdiriwang ng isang linggo sa nasabing buwan kada taon.

Mga pagkilalang tinanggap ng Isabela kaugnay sa Bambanti Festival

Noong Enero 25, 2019 tumanggap ng parangal ang lalawigan ng Isabela para sa kanilang Bambanti Festival.

Ipinarangal ng Guinness World Records ang “The largest gathering of people dressed as scarecrows.” Umabot sa 2,495 ang nakabihis na bambanti at sumayaw nang walang patid sa loob ng dalawang oras.

Samantala, iginawad din ang “The Champion Float” nang lumahok ang munisipalidad ng Luna at rumampa kung saan ibinida ang ‘Bambanti Festival Float’ sa 2014 Aliwan Fiesta sa CCP Complex sa Pasay, City.

Sa imbitasyon ng pamahalaan ng lalawigan ng Isabela, kabilang kami sa national media na masilayan ang makulay nilang 2023 Bambanti Festival na nasa ilalim ng temang “Isabela, Pagharap sa Bagong Hamon ng Kinabukasan.”

Ang gahiganteng marker ng Bambanti Festival na pagitan mismo ng Provincial Capitol ng Isabela at ng kanilang Bambanti Village. (Kuha ng Bilibb)

Bambanti Village

Isa sa highlights ng kapistahan ay ang Bambanti Village na itinayo sa harapan ng kapitolyo ng Isabela sa lungsod ng Ilagan.

Tampok sa nayon ang iba’t ibang aktibidad tulad ng pagpapamalas ng agri-ecotourism booths na may kanya-kanyang mga disenyo, sining, produktong ibinibenta at imahe ng kapistahan ng 34 kalahok na bayan ng Isabela. Kasabay din nito ay nakamamanghang bambanti installations na naglalakihan. Ang booths at mga bambanti na naririto ay naging bahagi ng kompetisyon para sa Bambanti Festival.

Ang kahabaan ng Bambanti Village kung saan itinatampok dito ang mga kasali sa mga kumpetisyon na Giant Bambanti at Agri-ecotourism Booths. Gayundin, makikita rito ang iba’t ibang produkto at serbisyo ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Dagundong ng Street Dance

Ibang dagundong ng Street Dance competition sa Isabela Sports Complex sa paglahok ng 20 bayan ng lalawigan.

Ang aktibo at makukay na partisipasyon ng San Mateo sa Street Dance competition na bahagi ng Bambanti Festival 2023. (Kuha ni Peter Pe, MD/Critical Beauty Philippines)
Ang pormal na pagsisimula ng Street Dance Parade competition sa Isabela Sports Complex noong Enero 27 na pinangunahan ng mga opisyal ng Isabela na sina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Kasunod din nito ang musical activities sa stage sa nasabi ring lugar.

Giant ‘wow’ sa Giant Bambanti

Naging usap-usapan ang malikhaing pagbuo sa isang higanteng Bambanti dahil napa-wow ang karamihan dito. Ang scarecrow na tinawag na Queen Scarlett ay mula sa Dinapigue na 1st placer sa ginanap na Giant Bambanti, Category A. Ang obrang ito ay mula sa malikhain at matiyagang sining ni Reynald Bernabe.

Ang 1st placer na Dinapigue sa Category A ng Giant Bambanti competition. Ang scarecrow na ito na tinawag na Queen Scarlett ay nagmula sa 40-45 kilong daing na sapsap na binuo ng 15 araw ng limang katao. Ang disenyo nito ay mula kay Reynald Bernabe ng nasabing bayan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

Ayon kay Bernabe ay hindi basta-basta ang pagkakabuo sa kanyang entry na pinagtulungan ng limang tao.

“Dalawang welder, at tatlo ang naglagay ng dried sapsap. Nasa 40-45 kilos na po iyan based sa natira naming mga supot-supot (ng isda). All in all mga 15 days naming ginawa kasama na ang overtime,” pagbabahagi ni Bernabe.

Ang bambanti na ito ay may halo ring mga munggo na nasa bahagi ng mga kamay nito habang may lambat sa kanyang ulo na animo’y buhok nito.

At para naman sa mga bitin sa mga ‘anik-anik’ ng Bambanti Village ay nakapalibot din ang tianggian mula sa kapitolyo hanggang sa palibot ng Stage Dome ng Queen Isabela Park na bahagi pa rin ng walong ektaryang Capitol Compound.

Nakagaganang maglibot sa dami ng mabibili mula sa mga gamit pambahay, opisina, damit, laruan, mga pagkain at iba pa.

Naging bukas ang nasabing nayon mula umaga hanggang gabi ng Enero 23 hanggang Enero 29.

Ibang hataw pa sa pista ng Isabela

Dahil pista, hindi nawala ang grand concert party na pinagbidahan nina Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan at ang tinitilian ding bandang Agsunta na nagpadagundong at pumuno nang husto sa buong Isabela Sports Complex.

Dumalo rin sa Bambanti Festival ang Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan na kilalang singer and rapper na nagtanghal para sa mga manonood. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ilan pa sa naging aktibidad ay ang 2-day Bambanti Shoot Fest para sa gun enthusiasts na ipamalas ang kanilang husay. Ito ay ginanap noong Enero 28-29 sa Isabela PPO Firing Range, Baligatan sa Ilagan. Nagkaroon din ng kauna-unahang Golf Tournament sa nasabi ring petsa at lugar kung saan nagkaroon ng enjoyment at light exercise ang mga kalahok. Hindi rin maikakaila na sa larong ito ay naroon ang pagiging fit and engaged, skills na puwedeng magturo ng discipline at self-acceptance.

Hindi rin nagpaawat ang kanilang Isabela: Pagharap sa Bagong Hamon ng Kinabukasan Musical na nagpamalas ng husay sa pag-awit mula sa iba’t ibang personalidad.

Nasa linya rin ng aktibidad ng kapistahan ang 25K Fun Bike Challenge na nagkaroon ng 332 finishers. Ginanap ito noong Enero 24 na sinimulan sa provincial capitol hanggang sa Gayong Gayong Sur patungong Gayong Gayong Norte at pabalik ng kapitolyo.

Ang bandang Agsunta na nagtanghal sa Isabela Grand Concert Party bilang bahagi ng 2020 Bambanti Festival. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ang mga nagwagi sa 2023 Bambanti Festival

MAINUM TI ISABELA

Non winners 2,500

San Mateo 5th Place

Angandanan 4th Place with P10,000

San Isidro 3rd Place with P15,000

Santiago City 2nd Place with P20,000

Timawini 1st Place with P25,000

MAKAN TI ISABELA

Cauayan City 5th Place with P5,000

Dinapigue 4th Place with P10,000

San Agustin 3rd Place with P15,000 plus trophy

Tumawini 2nd Place with P20,000

Santiago City 1st Place with P25,000

FESTIVAL KING 2023 Category B

San Agustin 5th Place with P2,000

Sta. Maria 4th Place with P3,000

Benito Soliven 3rd Place with P5,000 plus trophy

Quirino 2nd Place with P10,000

Ahron Cortez (Luna) 1st Place with P15,000

FESTIVAL QUEEN 2023 Category B

Sta. Maria 5th Place with P2,000

San Agustin 4th Place with P3,000 plus trophy

Benito Soliven 3rd Place with P5,000

Quirino 2nd Place with P10,000

Jovelyn Magsena (Luna) 1st Place with P15,000

Buong lakas na ibinuhos ng bayan ng Roxas ang kanilang husay sa Street Dance competition na bahagi ng Bambanti Festival 2023. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Category A – King

Alicia 5th Place with P2,000

Santiago City 4th Place

John Paul Domingo Cauayan City 3rd Place with P5,000 plus trophy

City of Ilagan 2nd Place with P10,000

Christian Mark (Echague) 1st Place with P15,000

 

Queen

Jenela (Alicia) 5th Place

Santiago City 4th Place

Cauayan city 3rd Place with P5,000 plus trophy

Christine Joy Bautista City of Ilagan 2nd Place with P10,000

Marceline Andres Echague 1st Place with P15,000

 

Giant Bambanti Category B

Naguilian 5th Place

Makunakon 4th Place

Quirino 3rd 10k with trophy

San Agustin 2nd Place with 15k

Cabatuan 1st Place 20k

 

Category A

(Kuha mula sa Isabela Facebook page)

Jones 5th Place with P3,000

(Kuha mula sa Isabela Facebook page)

San Mateo Capital 4th Place with P5,000

(Kuha mula sa Isabela Facebook page)

Dibinacan 3rd Place with trophy

(Kuha mula sa Isabela Facebook page)

Alicia 2nd Place with P15,000

(Kuha mula sa Isabela Facebook page)

Dinapigue 1st Place with P20,000

AGRI-ECOTOURISM BOOTH Category B

Benito Soliven 5th Place with P5,000

Gamu 4th Place with P10,000

Makunakon 3rd Place with P15,000 plus trophy

Quirino 2nd Place with P20,000

Cordon 1st Place with P25,000

 

Category A

Divilacan 5th Place

San Pablo 4th Place

Ramon 3rd Place

Cauayan City 2nd Place

City of Ilagan 1st Place

 

STREET DANCE Catergory B

100K to all participants

Luna 5th Place with P10,000

Cabatuan 4th Place with P15,000

Sta. Maria 3rd Place with P20,000 plus trophy

Quirino 2nd Place with P25,000

San Agustin 1st Place with P40,000

 

Category A

Ilagan City 5th Place with P10,000

Santiago City 4th Place, first timer

Jones 3rd Place with P20,000 plus trophy

Alicia 2nd Place with P25,000

Cauayan City 1st Place with P40,000

FESTIVAL DANCE SHOWDOWN Category B

Reyna Mercedes 5th Place

San Agustin 4th Place

Luna 3rd Place

Sta. Maria 2nd Place

Quirino 1st Place

 

Category A

Ramon 5th Place

Ilagan City 4th Place

Santiago City 3rd Place

Alicia 2nd Place

Echague 1st Place

 

100k to all towns participants

OVERALL WINNERS

Echague 5th Place with trophy and a project package worth P100,000

Cauayan 4th Place with trophy and a project package worth P400,000

 

Ilagan City and Alicia 2nd Place P500,000 (shared)

San Agustin 1st Place P750,000 project package

Quirino Champion