Bambanti Festival 2024: Tara na sa Isabela!

Tunghayan ang taunang Bambanti Festival ng lalawigan ng Isabela na gaganapin simula Enero 22 hanggang 27.

Ilan sa highlights ng Bambanti Festival 2024 ay ang Search for Queen Isabela 2024, Agri-ecotourism Exhibit and Sale, Giant Bambanti Showcase, Street Dance and Dance Showdown Competitions, Festival King and Queen, Makan ken Mainum, Music Festival, Fun Run, Bubble and Rave Party, Grand Concert, at Grand Fireworks Display.

“Ettam Ngana Ta Isabela!” (Tara na sa Isabela!) ang tema ng kapistahan ngayong taon na gaganapin sa lungsod ng Ilagan. Isinulat sa Ibanag, ang marketing campaign sa turismo na ito ay naghihikayat sa mga manlalakbay na tuklasin, tanggapin, at tamasahin ang mga kagandahan ng Queen Province of the North.