Balik-tanaw sa kasaysayan sa Museo ng Pampangulong Sasakyan

Ang 1924 Packard Single-6 Touring ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo ngunit hindi niya nagamit noong kanyang panguluhan.

Isang dapat na i-promote na mga puntahin ay ang iba’t ibang museo dahil kapupulutan ito ng mga kaalaman gaya ng Museo ng Pampangulong Sasakyan o Presidential Car Museum.

Ang museo ay nasa loob ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City na puwede ninyong pasyalan dahil bukas ito sa publiko.

Tunay na ang pagbisita sa car museum ay nagbibigay ng benefits sa car enthusiasts at sa mga may general interest sa history and culture. Nasa lugar na ito ang oportunidad na matuklasan ang history at evolution ng mga sasakyan.

Ang 1934 Cadillac V16 na ginamit ni dating Pangulong Manuel Quezon.

Ang museo ay nagtatampok ng mahigit 12 uri ng mga natatangi at luxury cars na nagamit nina dating pangulong Emilio Aguinaldo, Manuel Quezon, Jose Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo, at iba pa.

Ang 1937 Chrysler Airflow Custom Imperial CW na ginamit ni dating Pangulong Manuel Quezon bago napunta kay Heneral Douglas MacArthur.

Mga sasakyan ng mga nagdaang pangulo ng bansa

1924 Packard Single-6 Touring – 1924 nang makuha ni Pangulong Aguinaldo ngunit hindi niya nagamit

1934 Cadillac V16 – ginamit ni Pangulong Quezon (1869–1964)

1937 Chrysler Airflow Custom Imperial CW – ginamit ni Pangulong Quezon (1878–1944)

Ang 1942 Packard Custom Super Eight: One Eighty Limousine na ginamit ni dating Pangulong Jose Laurel (1891–1959) bago napunta kay dating Pangulong Osmeña.

1942 Packard Custom Super Eight: One Eighty Limousine – ginamit ni dating pangulong Jose Laurel (1891–1959) bago ginamit ni Pangulong Osmeña (1878–1961)

1947 Cadillac Fleetwood Series 75 Limousine – ginamit ni Pangulong Roxas (1892–1948)

1953 Chrysler Crown Imperial Limousine – ginamit ni Pangulong Quirino (1890–1956)

1955 Cadillac Series 75-23 – ginamit ni Pangulong Magsaysay (1907–1957)

Ang 1947 Cadillac Fleetwood Series 75 Limousine na ginamit ni dating Pangulong Manuel Roxas.

1943 Willys Jeep – ginamit ni Pangulong Magsaysay (1907–1957)

1959 Cadillac Sedan Deville – ginamit ni Pangulong Macapagal (1910–1997)

1980 Lincoln Continental Mark VI Signature Series – ginamit ni Pangulong Marcos (1917–1989)

Ang 1953 Chrysler Crown Imperial Limousine na ginamit ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

1986 Mercedez-Benz 500SEL – ginamit ni Pangulong Aquino (1933–2009)

1986 Mecedez-Benz 500SEL Guard – ginamit ni Pangulong Ramos (1928–2022)

1993 Mercedes-Benz S600 – ginamit ni Pangulong Estrada (ipinanganak 1937)

1993 Mercedes-Benz S600 Limousine V140 Pullman – ginamit ni Pangulong Arroyo (ipinanganak 1947)

Ang 1955 Cadillac Series 75-23 na ginamit ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.

Trivia

– Ang museo ay inilunsad noong Agosto 19, 2018 kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Lungsod ng Quezon.

– Ang museo ay nasa gusaling may sukat na 2,000 square meter at nagtatampok sa mga sasakyan ng 13 naging pangulo ng Pilipinas maliban pa sa mga sasakyan ng kilalang mga personalidad. Ito ay proyekto at nasa pangangalaga ng ahensya ng gobyerno na National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Ang 1943 Willys Jeep na ginamit ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.

– Ang pinakalumang sasakyan na nasa museo ay nagmula pa noong 1924. Simula pa noong 2008, ipinaayos ng NHCP ang mga sasakyan upang bumalik sa dating anyo ang mga ito.

– Ang ibang mga sasakyan sa museo ay mismong pinili ng mga nagdaang pangulo habang ang iba ay sinalo na lamang mula sa nakaarang administrasyon.

– Matapos gamitin ni dating pangulong Quezon ang 1934 Cadillac V16 ay ipinagamit na ito kay General Douglas MacArthur noong 1937 bilang parangal sa pagiging Field Marshal ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Ang 1959 Cadillac Sedan Deville na ginamit ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.

– Ang 1937 Chrysler Airflow Custom Imperial CW ay sinasabing pinaka-aerodynamic na sasakyan noon. Kaunti lamang ang nagkaroon nito umabot sa 30,000 units sa buong mundo at nabenta sa apat na taon nitong produksyon. Wala nang ibang Chrysler Airflow ang naangkat sa bansa at sa ngayon nag-iisa lamang ito sa bansa.

– Ang 1942 Packard Custom Super Eight ay regalo ng mga Hapon kay dating pangulong Jose Laurel noong 1942 bago ito ginamit ni Pangulong Osmeña. Ang sasakyang ito ay unang inilabas noong 1940 at idinisenyo para sa mga nakaaangat sa lipunan at sa mga lider ng bansa.

– Ang 1943 Willys Jeep ay iniregalo ni MacArthur matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang 1980 Lincoln Continental Mark VI Signature Series na ginamit ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

– Ang 1953 Chrysler Crown Imperial Limousine ay sinasabing unang presidential car na may FM radio.

– Ang 1960 Rolls-Royce Phantom V ay sasakyan ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos. Ang uri nito ay sa mga tanyag at mayayamang tao sa mundo noon tulad nina Queen Elizabeth II, John Lennon at iba pa. Tanging 516 lamang na Phantom V sa buong kasaysayan ng automobile.

– Ang 1980 Lincoln Continental Mark VI Signature Series ay isang high-tech car dahil ito ay may keyless entry feature at digital gauge cluster.

Ang 1986 Mercedez-Benz 500SEL na ginamit ni dating Pangulong Corazon Aquino.

– Ang 1986 Mercedez-Benz 500SEL ay ang unang state car na bulletproof na donasyon ng German government. Ang S sa pangalan ng modelo ay tumutukoy sa Sonderklasse o special class at ang L ay long wheelbase.

– Marami sa mga pampangulong sasakyan ang itinago ng kanilang mga pamilya bago ipinakaloob sa NHCP upang maging bahagi ng exhibit sa iba’t ibang lugar.

Ang 1986 Mecedez-Benz 500SEL Guard na ginamit ni dating Pangulong Fidel Ramos.

– Noong Agosto 10, 2018, naglabas ng special commemorative stamps ang Philippine Postal Corporation na nagtatampok sa museo.

Bitin sa impormasyon? Sadyain na ang museo para sa iba pang kaalaman. Dahil walang bayad dito, magandang oportunidad na paglaanan ng oras na mabisita kasama ang pamilya o mga kaibigan.

Ang 1993 Mercedes-Benz S600 na ginamit ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ang 1993 Mercedes-Benz S600 Limousine V140 Pullman na ginamit ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

 

Museo ng Pampangulong Sasakyan

Quezon Memorial Circle, Elliptical Road, Diliman, Quezon City

Bukas mula Martes hanggang Linggo | 9:00 AM – 4:00 PM