Balidasyon sa wika ng mga katutubong Agta isinagawa ng KWF

Isinagawa noong Abril 15-18, 2024 sa Brgy. Villa Espina, Lopez, at Brgy. Bacong, Alabat sa lalawigan ng Quezon ang balidasyon hinggil sa wika ng mga katutubong Agta na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Iniharap ng mga kawani ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika ng KWF sa pinuno at mga kasapi ng pamayanan at mga kawani ng National Commission on Indigenous Peoples-Catanauan Community Service Center ang resulta ng isinagawang pangangalap ng datos noong Oktubre 2023.

Layunin ng proyektong balidasyon na maiwasto at maisapanahon ang mga impormasyon hinggil sa tinatayang 135 katutubong wika ng Pilipinas.