Bakit tinawag na “corned beef” kahit walang mais dito?

Sigurado isa rin kayo sa kumakain ng corned beef at maaaring hindi nawawalan nito sa inyong bahay.

Sigurado rin na isa kayo sa mga nagtataka kung bakit tinawag itong “corned” beef. Ano ba ang “corned” na binabanggit sa pagkaing ito? Mais? Alamin natin…

Ang pangalang “corned beef” ay inimbento ng mga British noong ika-17 siglo upang tukuyin ang mga kristal ng asin na kasing laki ng mga butil ng mais na ginamit upang i-cure ang karne.

Ang dry curing ay ginawa upang mapanatili ang karne, na nagbigay ng pangalan sa corned beef. Ang malalaki at magaspang na salt pellet ay inilalagay sa ibabaw ng isang hiwa ng karne ng baka upang alisin ang moisture at pigilan ang pagdami ng bakterya rito – daan upang hindi masira.

Malinaw na. Walang mais sa corned beef pero may kinalaman ang mais sa pagkakapangalan sa pagkaing ito.

Sa nailahad, iyan din ang dahilan kung bakit tinawag na “corned tuna” kahit walang mais sa pagkaing ‘yon. Ang “corned” ay tumutukoy sa pagpre-preserba o pag-cure sa isda o karne -iingat o pagpapagaling ng karne ng baka gamit ang asin.

Usaping negosyo tungkol sa produktong corned beef at corned tuna

Unang umusbong ang pagkakaroon ng pagkaing de-latang corned beef bilang isang produkto. Kalaunan ay naimbento ang corned tuna. Dahil dito umaray ang mga gumagawa ng corned beef – na puwedeng isipin na “Bakit sila masasaktan, baka naman ang produkto nila at hindi isda?”

Ang punto ng argumento ay dahil nagamit ang proseso at salitang “corned” sa paglikha ng corned tuna, dahilan ito para maapektuhan ang pagbebenta ng corned beef. Mas mura ang isda at mas healthy. Sa mga nagtitipid at gusto ng mas may benepisyong maibibigay sa kalusugan, may pumipili sa produktong corned tuna.