Bakit napapanis ang mga pagkain?

Ay! Panis na agad? Kanina lang iyan ah?

Ano ang food spoilage o pagkapanis ng pagkain? At paano ito malalaman?

Ang food spoilage o pagkapanis ng pagkain ay tumutukoy sa pagkasira ng pisikal at kemikal na mga katangian ng pagkain na siyang nagiging dahilan upang hindi na kainin maging karapat-dapat kainin.

Mga senyales na sira na ang pagkain

– Mayroon nang mabahong amoy (amoy nabubulok) mula rito

– May kasama ring mga bula na lumilitaw sa ibabaw o paligid ng pagkain

– Kapag mayroon nang amag na nakikita

– Kapag mayroon nang pagbabago sa kulay

– Kapag mayroon nang ibang lasa

Ano ang dahilan bakit mabilis mapanis ang pagkain?

  1. Improper handling

-Ito ay tumutukoy sa mga maruruming kamay, maruruming lalagyan at maruruming mga lugar kung saan ginagawa ang pagkain. Tumutukoy din ito sa paglilipat o transportasyon ng mga pagkain.

  1. Improper storage

– Hindi maayos na pagtatabi ng mga pagkain. Ang iba’t ibang pagkain ay mayroong kinakailngan na tamang temperatura kapag ito ay itinatabi o itinatago. Katulad na lamang sa mga sariwang karne, isda at poultry na kinakailangang ilagay sa may malamig na temperatura katulad ng freezers o hindi kaya ay sa mga saradong container na naglalaman ng maraming yelo. Ang maaari namang ilagay sa refrigerator o ref ay ang mga cured na karne, isda at poultry. Ang mga gulay at prutas naman ay kinakailangan na itabi sa mga tuyo at malamig na lalagyanan. Ang ibang root crops naman na katulad ng bawang, sibuyas, patatas, kamote at iba pa ay kailangang ilagay sa basket na mayroong room temperature.

  1. Inadequate preparation and cooking

– Ito ay tumutukoy sa mga hindi masyadong nalutong karne, isda at kung ano pang pagkain na madalas magdulot ng mabilisang pagkapanis.

  1. Careless packaging

– Mahalaga ang maaayos na pagre-repack ng mga pagkain para maiwasan ang pagpasok ng anumang mikrobyo na siyang magiging dahilan ng pagkapanis nito.

  1. Invasion of harmful microorganism

– Mayroong mga harmful na organism na nagdudulot nang pagkapanis ng mga pagkain. Ito ay ang mga:

– Yeast

– Bacteria

– Molds

– Protozoa

– Fungi

Ang bacteria ay nasa kapaligiran lamang natin, maaaring nasa hangin, nasa tubig o nasa kamay o sa mga kagamitan na ginagamit mo upang magluto. Ang mga molds o amag naman ay nabubuo sa mga tinapay na sira na. Ang yeast naman ay ang mabahong amoy sa sirang pagkain.

  1. Temperature

– Isa ring malaking salik ang temperatura sa pagkasira ng pagkain. Halimbawa na lamang kapag ang pagkain na kaluluto lamang ay inilagay mo sa isang lalagyanan at tinakpan agad habang ito ay sobrang mainit pa, mas madali itong mapanis kaysa sa pibnalamig muna bago isinara.

Ano-ano ang mga pamamaraan ng pag-iimpok ng pagkain?

  1. Freezing

– Ang mga pagkain na inilalagay sa ref ay hindi kaagad masisira o magtatagal ng ilang araw sa dahil ang bacteria ay hindi madaling mabuhay sa matataas na temperatura.

  1. Boiling

– Ang pagpapakulo. Kung ang germs at bacteria ay hindi madaling mabuhay sa malalamig na temperature, sa paraan naman ng pagpapakulo, ang germs at bacteria naman ay pinapatay.

  1. Salting

– Katulad ng sa mga pickles o fermented na mga pagkain.

  1. Sweetening

– Ang sobrang asukal sa pagkain ay nagsisilbing preservatives. Katulad na lamang sa mga jellies at jams.

  1. Dehydration

– Ang prosesong ito ay ang pagpapatuyo ng mga pagkain upang pigilan ang paglago ng mga bacteria.

  1. Canning

– Katulad ng mga delatang pagkain, gagamitan ng malinis at saradong lalagyan upang maiwasan ang pagpasok ng mga bacteria.