Bakit nangingitim ang balat kahit nasa tagong lugar?

Ibang kahihiyan kapag makulimlim ang natatagong bahagi ng ating katawan – singit, kilikili, puwitan, at iba pa. Parang ironic, dahil kung ano pa ang natatagong skin part ay ‘yon pa talaga ang nangingitim. Nakahihiya kahit ikaw lamang ang nakakaalam nito – at ibang usapan na ito lalo na kapag nakita ng iba, hindi ba? Kaya ang siste na may ganitong problema ay isinisikreto na lamang ito pero ang resulta nakabababa ng kumpiyansa sa sarili.

Bakit nangingitim ang balat?

Kapag ang katawan natin or certain areas nito ay nakagagawa ng sobrang melanin, nagreresulta ito sa pangingitim ng balat. Tinatawag din itong hyperpigmentation. Kapag hindi nagpapantay ang kulay ng balat sa ibang parte nito, ibig sa bihin ay hindi rin pantay ang melanin level dito. Tandaan na ang melanin ang siyang nagbibigay kulay sa ating mga mata, balat at buhok.

Sa balat, nangyayari ang pangingitim sa areas na may skin folds tulad ng kilikili, sa may puwet, sa ilalim ng suso, pagitan ng mga daliri sa paa at kamay, sa tupi ng siko o mismong siko at sa singit.

Ilan sa mga karaniwang dahilan bakit nangingitim ang balat ay kapag nababad ang balat sa araw o kapag may sakit ang isang tao.

Ang pagkababad ng balat sa araw ay isang main reason kung bakit may pangigitim na nangyayari. Ito ay dahil ang enerhiya sa ultraviolet rays ng araw ay nakukuha ng melanin bilang normal na paraan para maprotektahan ang balat sa sobrang pagkalantad sa araw. At ito rin naman ang dahilan para paitimin ang certain areas ng katawan na mayroon nang hyperpigmentation.

Ang pagbabago ng hormones ng katawan ay isang dahilan din ng pangingitim ng balat tulad ng pagbubuntis o paggamit ng birth control ngunit ito ay hindi naman permanente.

Ang pangingitim din ng balat ay nangyayari rin kapag may sakit ang isang tao. Tulad nito ay ang Addison’s disease, isang uri ng deceased production ng hormones ng adrenal glands.

Maaari rin namang mangitim ang balat dala ng toxic chemicals sa environment.

Ilan pang dahilan ay kung may inflammation sa balat o skin trauma tulad ng pagkakaroon ng acne, eczema, bug bites, cuts, scrapes, at kahit pa sa pangangamot o friction ng balat o pagkiskis (halimbawa ng damit o tela sa balat) na kapag gumaling o katagalan ay nag-iiwan ng pangingitim sa balat.

Friction na matatawag kapag ang suot na damit tulad ng underwear, tee shirt, pantalon ay mga sobrang sikip kung kaya’t nagagasgas ang balat nang paulit-ulit lalo sa bandang kilikili, singit, baywang o tuhod. Friction ding matatawag ang pag-ahit ng buhok sa bikini area o kilikili.

Kapag obese rin ang isang tao, prone siya sa pangingitim ng balat o kung siya ay may diabetes o may espesipikong gamot na iniinom.

Iba pang dahilan ng pangingitim ng balat

Isa pang dahilan ng pangingitim ng balat ay kung ito ay may kasamang sintomas na may kinalaman sa ibang mga sistema ng katawan tulad ng:

– depression

– constipation

– pagkasira ng tiyan o pagdurumi

– pagkapagod

– glucose intolerance

– high blood pressure

– pananakit ng kasukasuan

– kawalan ng gana

– delayed menstruation

Paano maiiwasan ang pangingitim ng balat?

Ang kulay ng balat ay dala rin kung ito ay nasa dugo natin o nasa lahi. Pero mataas ang ang tsansa na kahit maputi ang lahi ninyo ay pwede ka pa ring mangitim kaya dapat ay mayroon dapat iwasan tulad ng mga sumusunod

– Iwasang magpa-araw. Kung hindi maiiwasan, maglagay sa balat ng sunscreen o sunblock na may Sun Protection Factor o SPF 50. Magpahid din ng lip protector. Maglagay nito kahit pa may cloudy o windy weather.

– Kapag summer o mainit ang panahon, mas maraming tubig ang dapat inumin upang maging hydrated ang balat at mag-glow ito. Isama na ang pagkain ng masusustansyang pagkain.

– Kapag hindi nagiging normal ang pagbabago ng kulay ng balat ay idulog ito sa inyong doktor.