Bakit lumalabo ang paningin?

Hindi dapat na binabalewala ang pagkalabo ng ating paningin.

Kapag nasisira ang paningin ito ay dahil sa eye trauma, pagkakaroon ng katarata (lalo sa nagkakaedad), pagkasira ng retina dahil sa sakit na diabetes, pamamaga ng optic nerve, migraine at marami pang ibang kadahilanan.

Ang kadalasang pagkasira ng paningin ay dahil sa edad lalo na sa mga tumatanda. Isa pa rito ay kung laging tutok ang mga mata sa paggamit ng computer.

Gayunman, ang pagkasira ng paningin ay maaaring maremedyohan ng pagsuot ng tamang salamin sa mata, contact lenses permanent artificial lenses o surgical correction sa mga mata.

Mga sintomas ng pagkasira ng paningin

– Kapag hirap makita ang napapanood sa TV, nababasa sa anumang reading materials

– Kapag hirap isulat sa tamang pwesto sa papel ang impormasyon tulad ng iyong pirma, pangalan at iba pa

– Hirap makakilala ng tao

– Palagiang kumukurap o naniningkit ang mga mata para makakita

Kapag may biglaang pagkawala ng paningin (total o near-total), agad na magpasuri sa doktor. Ang ganitong kondisyon ay maaaring senyales na delikado ka sa stroke o heart attack. Maaaring may blood clot na nangyayari sa iyong mga mata – sa blood vessels nito.

Para gumanda ang paningin o mapanatili ang kalusugan ng mga mata, kumain ng mga pagkain gaya ng sumusunod:

– isda (salmon, tuna, mackerel, sardinas, dilis)

– mga mani

– citrus fruits (oranges, lemon, grapefruits)

– madadahong gulay (spinach, kangkong, pechay)

– carrots

– patatas

– karne ng baka

– itlog

– pag-inom ng tubig nang regular