Bakit kaunti ang serving ng pagkain sa fancy restaurants?

Paliwanag ng psychology, ang pagkain ng kaunti sa fancy restaurant ay may ibang epekto kung saan ang isa rito ay sinasabing, "expensive food is good food."

Isa ka rin ba sa nagtataka kung bakit napakaliit ng serving ng pagkaing inihahain ng fancy restaurants?

Dahil elegante ang restaurants, natural na mamahalin ang pagkaing ino-offer nila rito. Mahal ang ingredients na kanilang ginagamit at matagal din ang preparasyong high-standard bago ito ilagay sa hapag. Mas lumalaki ang serving ay mas lumalaki rin ang presyo nito.

Isang dahilan din na small portion ito kung ibigay ay dahil may dagdag attraction ito, maliban pa sa art o design na makikita sa pagkain. Elegante ang dating kapag ganito.

Sa pagse-serve ng kaunting pagkain, naroon ang emotive result na nakaeengganyong kainin at kung sadyang masarap ay mag-iiwan din ito ng masarap na memories sa kakain.

Paliwanag naman ng psychology, ang paghahanda ng pagkaing in small serving ay sinasabi ring “expensive food is good food”, at puwedeng sabihing pang-akit pa ito para bumalik pa ang guests.

Paliwanag din na kapag small portion lamang ng pagkain ang nasa hapag ay mas mae-enjoy ang bawat subo at lasa nito.

Ang pagkain nang kaunti ay estilo rin upang nasa tamang dami ang makokonsumo upang manatili pa ring healthy ang kakain nito. Sigurado rin na kapag ganito ang pagkain ay ginamitan ito ng healthier ingredients.

May espesipikong pagkain din na kahit kaunti lamang ang pagkaka-serve ay maaari nang mabusog ang kakain nito – maliban na lamang kung may dragon sa tiyan ang guest.

Happy eating!