Ayala Museum libre, bukas sa publiko sa Mayo 20

Kasabay ng International Museum Day 2023, nakahanda na ang Ayala Museum sa mga natatanging programa sa ilalim ng pandaigdigang tema na “Museums, Sustainability, and Well-Being.”

Sa programa, magiging libre at bukas ang museo sa publiko sa Mayo 20, 2023 sa ika-10 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon. Tandaan na ang mga slot ay limitado, ang pagpaparehistro ay magsisimula ng Biyernes, Mayo 19.

Magkakaroon dito ng special activities, exhibitions na magbubukas kabilang ang Gold of Ancestors: Pre-colonial Treasures of the Philippines, ang Diorama Experience of Philippine History, at ang bagong Imprint exhibition kay Fernando Zóbel.

Upang magparehistro, magsadya sa Ayala Museum website ika-3 ng hapon ng Mayo 19. May lalabas na button para magparehistro, na magbibigay-daan sa bawat bisita na magpareserba ng hanggang dalawang slot lamang.