Atrial fibrillation, delikado sa pagpalya ng puso, stroke

Isa ka ba sa kinakabahan dahil sa nararanasang palpitations o pagbilis ng tibok ng puso na minsan ay may kasamang pitik o kalabog?

Ngayong Setyembre ay Atrial Fibrillation Awareness Month.

Ang usaping pangkalusugan na ito ay naging bahagi ng isinagawang press conference hinggil sa Ikasiyam na Taunang Siyentipikong mga Sesyon sa pangunguna ng Philippine Heart Rhythm Society (PHRS) noong Setyembre 16, sa Marco Polo Hotel sa Pasig City.

Ang okasyon na may temang “Atrial Fibrillation Public Awareness Campaign” ay adbokasiya ng PHRS.

Ang “electricians of the heart” ay mga cardiologist na nag-aral nang mas malalim ng bilis ng tibok ng puso at sa larangan ng electrophysiology.

Ayon sa mga eksperto, nagsisimula ang palpitasyon kapag may stress, ehersisyo, medikasyon, o sa bihirang pagkakataong medikal na kondisyon. Nakakakaba man ay kadalasang hindi ito mapaminsala o nagdadala ng peligro.

Ipinapayo rin na kapag palaging kinakabahan na may kasama pang hingal at mabilis na pagtibok ng puso, mainam na kumonsulta sa doktor o sa isang cardiologist.

Ang mabilis na tibok ng puso na nararamdaman at nawawala rin ngunit nagiging tuloy-tuloy na pangyayari ay maaaring isang kaso ng Atrial Fibrillation (AF o AFib).

Ang AFib ay ang irregular na pagtibok ng puso. Karaniwan itong heart rhythm problem o arrhythmia at huwag akalaing karaniwang abnormalidad dahil maaaring magpataas ito ng tsansa ng isyu ng pagpalya ng puso o stroke. Ang sinumang taong nakararanas nito ay kinakailangang magpasuri agad sa doktor.

Afib: Madalas na may kinalaman sa katandaan ngunit nangyayari rin sa bata

“AFib is a heart rhythm disorder or abnormality that usually presents as palpitations/ shortness of breath, nausea, easy fatigability, or sometimes simply as an abnormal ECG or finding of irregular pulses during checkups,” ayon kay Dr. Erdie Fadreguilan, PHRS president.

Ayon pa sa kanya, hanggang 4% ng mga tao sa buong mundo ang tinatayang may AFib, na ang paglaganap ay tumataas hanggang 20% sa mga taong may edad na 70 at higit pa.

Sa isinagawang Ikasiyam na Taunang Siyentipikong mga Sesyon ng Philippine Heart Rhythm Society (PHRS), ipinakikita ni PHRS Director Dr. Luigi Piere Segundo kung paano masusuri ang pulse rate o galaw ng pulso bilang unang hakbang na malaman ang atrial fibrillation sa mga pasyente. Ang ganitong pamamaraan ay magagawa ng sinumang indibiduwal (kanang larawan). Ang normal na resting heart rate para sa matanda ay nasa 60 hanggang 100 na pagtibok kada minuto. Sa pulong na ito, kasama ni Dr. Segundo ang iba pang opisyal ng PHRS (mula sa kaliwa): Dr. Marcellus Francis Ramirez, vice president; at Dr. Erdie Fadreguilan, president.

“Screening is highly recommended among those 75 year-olds or regardless of age, those with heart diseases or risk factors such as HF, diabetes, previous stroke, and diseases of the blood vessels including coronary artery disease (heart artery blockage). Checkup can start with a simple checking of pulses and is later confirmed by ECG (electrocardiogram), dagdag pa ni Fadreguilan.

Si Dr. Erdie Fadreguilan habang kinakapanayam ng mga mamamahayag.

Gayunman, ang mga pasyente ng AFib ay dumarami nang mas bata, gaya ng binanggit ni Dr. Francis Marcellus Ramirez, vice president ng PHRS.

“AFib patients are getting younger. Lately, the typical age of a person with AFib is about late 50s and early 60s. Teens and 20-somethings who have it, too, were diagnosed to have other health conditions, comorbidities, and found to have vices,” ani Dr. Ramirez.

“Comorbidities like congenital defects could cause AF to manifest earlier in life. Aside from diabetes and hypertension, other metabolic disorders like hyperthyroidism, and pulmonary embolism could also be at the root of the problem,” aniya pa.

“Once you are diagnosed to have AFib you need treatment to prevent stroke and heart failure (HF).  A procedure called catheter ablation which is done in a number of hospitals in the country can  improve HF in patients with AF,”  punto naman ni Dr. Luigi  Pierre Segundo, PHA director at presscon moderator.

Idinagdag din niya na base sa pananaliksik, 2% ng mga taong may edad na mahigit 70 sa Pilipinas na lumahok sa 2003 National Nutrition and Health Survey ng Food and Nutrition Research Institute ay may AF at na-diagnose.

Kaso ng AFib sa 2003, 2022, at 2050

Sa isang artikulo mula sa “Gaps and Challenges in the Management of AF in the Philippines” na isinulat ng mga doktor sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (ref: PubMed Central, Sept. 2022) ay binanggit dito na, “AF in SEA is estimated to range from 2.6 to 23.04%. Projections from available prevalence data predict that Asia will see a rapid increase in AF burden to an estimated 8.3 million by 2050. The incidence will escalate due to the increasing aging population and social industrialization, especially in developing countries. Even though AF is the most common sustained arrhythmia, data on the Philippines remains scarce.”

Dito sa Pilipinas, mayroon tayong mga dalubhasang medikal na propesyonal sa arrhythmia. Kahit na limitado ang mga kakayahan sa pagsasaliksik ng bansa, ipinagmamalaki nito ang mahuhusay na cardiologist at electrophysiologist nito na gumagamot sa mga pasyente ng AFib. Ang mga ospital ay matatagpuan sa mga electrophysiology lab at catheterization laboratories (cathlabs). Isa sa mga inaasahan ng PHRS ay makakita ng mga karagdagang institusyong tersiyaryo at cath lab sa buong bansa upang mabigyan ng madaling access ang mga pasyente ng AFib.

Paggamit ng multipronged approach; Pag-iwas sa mga salik na pagmumulan

“AFib management is a multifarious method. Medications, interventional and/or invasive procedure/s and healthy lifestyle should go hand in hand. A set of healthy habits including maintaining healthy weight and sleeping pattern are non-negotiables. Time for exercise and sports (with doctor’s clearance) is sacred. Take your medicines and minerals/vitamins religiously. Always stay hydrated means increasing your fluid as in water intake, have coffee in moderation and sip wine occasionally. Watch your coffee and wine dosage,” giit ni Fadreguilan.

Mga dapat tandaan para maiwasan ang  AFib

May iba pang payo ang PHRS hinggil dito – na dahil ang mga ito ay mga stimulant ng AFib at nakapipinsala sa pangkalahatang kalusugan, ang mga sumusunod ay dapat na iwasan ng mga nasa hustong gulang, teens, at mas bata pa:

* Ilegal na droga, paninigarilyo, sobrang pagkonsumo ng nakalalasing na inumin at inuming may caffeine

* Stress

Kahit na para sa mga kabataan, ang pakikipag-ugnayan ng panlipunang dinamika at paaralan ay maaaring maging stress. Ang mga electrical signals  ay maaaring muling i-activate sa pamamagitan ng matinding stress (kapwa mental at pisikal). Ang napakaraming dosis ng stress (kapuwa mental at pisikal) ay maaaring makapagsimula ng electrical signals.

* Pag-antala o kakulangan sa magnesium, calcium, potassium; at kakulangan ng tubig sa katawan

Mas gumagana ang katawan kapag may maayos at balanse ng calories, tubig, at mineral  at bitamina.

* Hindi maayos na oral/dental na kalusugan

Naipakita na ang AFib at periodontal health ay magkaugnay. Ang regular na scaling at prophylaxis (paglinis) ng ngipin ay binabawasan ang saklaw ng AFib at pinipigilan ang impeksyon.

Tungkol sa Philippine Heart Rhythm Society

Sa kasalukuyan, ang PHRS ay isang grupo ng 46 na cardiologists na subspecialized sa paggamot ng mga pasyenteng may abnormalidad sa ritmo ng puso, kabilang ang atrial fibrillation.

Bilang bisyon, pagsapit ng 2025 ay nais ng organisasyon na maging pinuno ng rehiyon ng Asia Pacific sa pamamahala ng ritmo ng puso.

Ang misyon ng organisasyon ay magbigay ng de-kalidad na pangangalaga para sa mga pasyenteng Pilipino na may mga problema sa ritmo ng puso sa pamamagitan ng adbokasiya, pananaliksik, at edukasyon. Sila ay isang grupo ng mga propesyonal sa ritmo ng kalusugan at mga kaugnay na espesyalista at naniniwalang ang kahusayan, propesyonalismo, at serbisyo ay mga pangunahing halaga para sa mas maayos na kalusugan ng bawat komunidad.