Asian elephant na si Mali ng Manila Zoo pumanaw na

Si Mali na pinakaatraksyon sa Manila Zoo, ay isang babaeng Asian elephant ay regalo ng pamahalaang Sri Lanka sa mga Maynila noong 1977. (Kuha ng BILIBB)

Pumanaw ang nag-iisang elepante sa Manila Zoo na si Mali.

Ika-3:45 ng hapon nang mamaalam si Mali na inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila. Habang isinusulat ang pahayag na ito ay hindi pa batid ang ikinasawi ni Mali.

 

Si Mali ng Manila Zoo

Ang Asian elephant na nag-iisa lamang sa Manila Zoo ay regalo ng pamahalaang Sri Lanka sa mga batang Manilenyo noong 1977. Ang babaeng elepanteng ito ay si Mali o Ma’ali (Vishwama’ali) na pinakaatraksyon sa lugar.

Si Mali ay wala nang mga magulang at tatlong taon pa lamang noon nang dalhin sa bansa.

Nag-iisang elepante rin si Mali ng Pilipinas na halos edad 50 na ngayon. Base sa elephant standard, bata pa ito dahil nabubuhay ang uri nito hanggang 80 taon.

Sa araw-araw, si Mali ay pinakakain ng 150 kilos ng pinagsama-samang mga damo, gulay, at prutas.

Ang nag-iisang elepante ng bansa na si Mali.

 

Isyu kay Mali

Noong nabubuhay pa si Mali, minsan nang naging isyu ito na hindi umano naaalagaan nang maayos sa Manila Zoo at sa halip ay dapat na nasa malayang lugar ng kagubatan o dalhin sa Thailand. Ngunit base sa Network for Animals, isang non-governmental at international animal welfare organization, si Mali ay malusog para sa kanyang edad. Ang pahayag nito ay dahil nagkaroon ng blood test ang naturang organisasyon para sa elepanteng nabanggit, mahigit limang tao na ang nakalilipas.

Hindi pabor ang NFA na nasa zoo ang mga hayop, pero iba ang kaso ni Mali.

“Network for Animals does not approve of zoos, full stop. But we always ask ourselves, what would the animals want? We believe that in this case, the Manila Zoo is the best option for Mali,” ayon sa NFA sa inilabas nilang video noong 2018.