Artistic na pagpapailaw sa CCP pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan

Sinimulan na ng Cultural Center of the Philippines ang pagpapailaw sa Gusaling Tanghalang Pambansa (CCP Main Building) gamit ang mga kulay ng pambansang watawat upang ipagdiwang ang nalalapit na Araw ng Kalayaan.

Sa ilalim ng direksyon ni Associate Artistic Director Ariel Yonzon, ang CCP Production and Exhibition Department ay nagsagawa ng proyektong ito. Ang pagpapailaw na disenyo ay gumagamit ng karaniwang ellipsoidal lighting equipment na may gobos na inspirasyon ng mga isla at topograpiya ng Pilipinas.

Ang Chief of Production Design at Technical Services Division na si Ricardo “Eric” G. Cruz ang nagkonsepto ng ideya. Ang pagpapailaw ay nilikha ng isang technical team na pinamumunuan ng mga gobo creator na sina Shantie De Roca, Patricia Fuentes, Judemar Guillermo, at Camille Balistoy, kasama sina Lucio Tapiru, Earl Barrera, Russell Caseñas, Christopher Lota, at Samie Estrellon ang humahawak sa setup.

Tuwing ika-6:00 ng gabi, masisilayan ang CCP Philippine Independence Day façade lighting bilang paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng kalayaan ng bansa. Ito ay magpapatuloy hanggang Hunyo 16, 2024, hanggang ika-9:00 ng gabi.

Ating ipagdiwang ang makasaysayang milestone na ito gamit. Tiyak na instragrammable ang makikitang hitsura ng CCP Front Lawn, kasama ang Main Building bilang backdrop.