Abril 1 at 2: Mga klase suspendido sa tindi ng init

Sinuspinde ang mga klase sa iba’t ibang paaralan dahil sa nararanasang tindi ng init at in-adjust ang paraan ng pagtuturo para sa Abril 1 at 2.

Ito ang listahan ng mga lugar na may suspensyon ng klase:

– Bacolod City: preschool hanggang senior high school, public at private, hanggang Abril 2

– Bago City, Negros Occidental: sa lahat ng antas, public at private, adjusted sa modular mode of instruction, hanggang Abril 2

– E.B. Magalona, Negros Occidental: sa lahat ng antas, public at private, hanggang Abril 2

– Kabankalan, Negros Occidental: sa lahat ng antas, public at private

– Hinoba-an, Negros Occidental: sa lahat ng antas, public at private, adjusted sa modular mode of instruction, hanggang Abril 2

– Iloilo City: preschool hanggang senior high school, public at private, hanggang Abril 2

– Roxas, Capiz: preschool hanggang senior high school, public at private

– Silay City: sa lahat ng antas, public at private, adjusted sa modular mode of instruction, hanggang Abril 2

– Tantangan, South Cotabato: half-day sa lahat ng antas para sa Abril 1 hanggang 15, public at private

Nakasaad sa Memorandum No. 2023-077 na inilabas ng Department of Education noong Abril 2 ng nakaraang taon na ang mga pinuno ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa ay may kakayahang ihinto o kanselahin ang mga in-person lesson at palitan ang mga ito ng modular distance learning modes kapag nakararanas ng matinding init ng kapaligiran.