Ano’ng remedyo sa sobrang pamamawis ng mga kamay?

Sobrang pamamawis ng mga kamay. (oabbuzios.org.br)

Sobrang pamamawis ng mga kamay? Ano ba ang medical term para rito?

Ang pawis ay nagsisilbing pamatay-init ng katawan. Ito ay nakatutulong upang mapanatili ang katawan sa tama nitong temperatura. Naiiwasan din ang pag-o-over heat ng katawan dahil sa tulong ng pagpapawis.

Hyperhidrosis

Ano ang hyperhidrosis? Ang hyperhidrosis ay ang sobrang pamamawis. Kadalasan itong nangyayari sa mga kamay, paa, kili-kili o ‘di kaya’y sa buong katawan. Kahit pa man nakararamdam ang pagkairita kapag mayroong ganitong sitwasyon ay hindi naman ito nakababahala dahil ito ay pangkaraniwan lamang.

Palmar hyperhidrosis

Katulad ng pagkaka-explain sa hyperhidrosis, ang palmar hyperhidrosis ay ang sobrang pamamawis ngunit partikular naman sa mga kamay.

Dalawang klase ng hyperhidrosis:

  1. Primary focal hyperhidrosis

-Ito ay isang chronic skin condition at ang pinaka-karaniwang klase ng hyperhidrosis. Nakukuha ito sa genes na madalas naaapektuhan ang kili-kili, mga kamay, mga paa, at mukha.

  1. Secondary generalized hyperhidrosis

-Ito naman ay ang side effect ng mga gamutan ng mga taong may sakit. Halimbawa na lang ng gamot na Naproxen na madalas na ginagamit ng mga mayroong diabetes at Parkinson’s disease.

Saan-saan madalas nagkakaroon ng hyperhidrosis?

  • Kili-kili (Axillary hyperhidrosis)
  • Mga paa (Plantar hyperhidrosis)
  • Mga kamay (Palmar hyperhidrosis)
  • Sa noo at pisngi (Craniofacial hyperhidrosis)
  • Maseselang bahagi ng katawan
  • Likod

Bagama’t ang hyperhidrosis ay karaniwang nangyayari, mas mataas ang bilang ng mga nakararanas nito sa mga kamay. Pasmado kung tawagin ang sobrang pamamawis ng kamay.

Ano ba ang mga sintomas ng hyperhidrosis?

  • Sobrang pamamawis o pamamasa ng balat
  • Palagiang basang damit
  • Mga butil ng pawis na sunod-sunod kung tumulo mula noo hanggang baba

Ano ba ang dahilan ng pagkakaroon ng palmar hyperhidrosis?

Ang pagkakaroon ng sobrang aktibong sweat glands ay ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng palmar hyperhidrosis. Madalas itong nangyayari kapag tayo ay gumagalaw, nae-excite o ‘di kaya’y ninenerbyos. Naglalabas ang sweat glands ng higit pang pawis kumpara sa kailangan ng ating katawan. Habang hindi pa naman natatapos ang pagsasaliksik kung bakit nagpo-produce ang sweat glands ng higit pang pawis kaysa sa kinakailangan. Ang mga sumusunod pa ay ang ilan sa kadahilanan kung bakit nati-trigger ang palmar hyperhidrosis:

  • Stress
  • Pagkabahala
  • Nerbyos
  • Pagkain ng maaanghang na pagkain
  • Pagod
  • Galit
  • Init

Ano ang mga mas seryosong sakit na maaaring idulot ng palmar hyperhidrosis?

Wala namang seryoso o mas malalang sakit ang maaaring makuha sa pagkakaroon ng hyperhidrosis ngunit mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng skin infection ang sinomang mayroong ganitong uri ng sakit.

Ano-ano ang puwedeng home remedies?

Sa pagkakaroon ng palmar hyperhidrosis, walang nabanggit na tiyak na makalulunas sa kondisyong ito. Ngunit kung pag-uusapan ang kabuuan ng hyperhidrosis, tanging ang mga sumusunod lamang ang maaaring gawin:

  • Paggamit ng antiperspirant
  • Madalas na pagligo
  • Pagsuot ng mga maluluwag na damit.

Ano-ano ang mga puwedeng gawing test para malaman kung mayroong palmar hyperhidrosis?

  • Starch-Iodine test

-Isang test na kung saan maglalagay ng iodine solution sa kamay at bubudburan ito ng starch at kung magiging kulay asul ang solution ay ibig sabihin mayroong palmar hyperhidrosis.

  • Paper test

-Maglalapat sila ng isang papel sa kamay at titimbangin ito upang malaman kung gaano karami ang nakolekta nitong pawis.

  • Blood or imaging test

-Dito, kukuha ng sample ng dugo upang masaliksik nang maayos.

Ano-ano ang mga puwedeng gamot-panlunas sa palmar hyperhidrosis?

Bagama’t hindi solusyon ang mga sumusunod sa kondisyon, ito naman ay nakababawas ng sintomas:

  • Anticholinergic agents (glycopyrrolate and oxybutynin)
  • Anti-depresants
  • Beta blockers
  • Medicated wipes (glycopyrronium tosylate, Qbrexza)
  • Aluminum chloride gel

Ano naman ang therapies na maaaring gawin?

Kung ang home remedies at medication ay hindi nakatulong, maaring subukan ang therapy:

  • Iontophoresis

-Ilalagay ang mga kamay sa isang mababaw na batya ng tubig. Ang isang espesyal na aparato ay maglalabas ng kuryente sa pamamagitan ng tubig, na humaharang sa mga glands ng pawis. Ang bawat proseso ay tumatagal ng 10 hanggang 20 minuto.

  • Botulinum toxin injection (Botox)

-Pagturok ng botulinum toxin sa kamay na makapag papahinto ng pamamawis ng ilang buwan.

  • Microwave therapy

-Ginagamitan ng high-tech na makina na kung saan ilalagay ang kamay upang patayin ang sweat glands nang tuluyan. Tumatagal naman ito ng ilang oras.

At kung ang mga naunang gamutan ay hindi pa rin nakatulong, maaaring ring gamitin ang hyperhidrosis surgery:

  • Endoscopic thoracic sympathectomy

-Paraan kung saan puputulin ang ugat na nagbibigay ng signal sa sweat gland.

  • Sweat gland removal

-Ang tuluyang pagtanggal ng sweat glands sa pamamagitan ng laser, scraping (curettage), pagputol (excision) o liposuction.

Maaari bang maiwasan ang palmar hyperhidrosis?

Hindi lahat ng kaso ng hyperhidrosis ay maiiwasan. Halimbawa, hindi mapipigilan ang focal hyperhidrosis dahil maaaring may genetic na dahilan ito. Kung mayroong pangkalahatang hyperhidrosis, maaaring makatulong ang pamamahala o paggamot sa anumang pinagbabatayan na kondisyon ng kalusugan. Maaari ring makipagtulungan sa dalubhasa upang pamahalaan ang mga epekto ng mga gamot na inireseta upang mabawasan ang posibilidad ng hyperhidrosis.