Ano ang rekomendadong konsumo ng asin kada araw?

Maraming taong ayaw sa mga pagkaing walang lasa at isa sa nagpapalasa ay ang asin.

Maraming pagkakataon din na sa pagkonsumo natin ng iba’t ibang uri ng pagkain o inumin, hindi natin namalalayan na sumusobra na pala tayo sa pagkonsumo ng asin – na sa huli ay magbibigay ng problema sa kalusugan.

Sa pag-aaral inirerekomenda ng American Heart Association (AHA) para sa karamihan ng mga indibidwal na ang pagkonsumo ng asin ay hindi dapat hihigit sa 2,300 milligrams (2.3 grams) bawat araw.

Ang AHA ay kilalang isang nonprofit na organisasyon sa Estados Unidos United States na nagpopondo sa cardiovascular na medikal na pananaliksik, nagtuturo sa mga konsumer sa malusog na pamumuhay. Gayundin, nagpapaunlad ito ng naaangkop na pangangalaga sa puso sa pagsisikap na mabawasan ang kapansanan at pagkamatay na dulot ng cardiovascular disease at stroke.

Ang inirekomendang dami ng asin na mas mababa sa 2,300 milligrams ay may katumbas na isang kutsarita. Para naman sa edad 14 pababa dapat mas mababa sa daming nabanggit.

Ayon naman sa World Health Organization, karamihan sa mga tao ay kumonsumo ng sobra-sobrang asin—sa average na 9-12 grams (9,000- 12,000 mg o 1.8 – 2.4 kutsarita) sa bawat araw.

Para maunawaan, ang asin na tinutukoy ay hindi lamang sa nagagamit natin na direkta sa salt shaker na ibinubudbod. Sa mahigit 70 porsyentong asin, nagmumula ang mga ito mga pagkaing nakapakete at mga nasa kainan – restaurants, food chains at iba pa.

Ang asin ay idinaragdag sa mga pagkain para sa lasa at bilang bahagi ng ilang preservatives at additives ng pagkain.

Karamihan ng mga pagkaing mataas sa asin ay mga nakapakete, naproseso o nasa kainan tulad ng mga sumusunod:

– pizza

– pasta

– burgers o sandwiches

– French fries

– tacos, tortilla o burritos

– cottage cheese

– vegetable juice

– broth and stocks

– chicharon

– canned food o canned meats

– ham, hotdogs, sausages, bacons, salami o iba pang cold cuts

– pretzels, biscuits, bagels at iba pang tinapay

– sauces, pickles

– frozen meals

Kahit pa ang mga pagkaing nabibili nang madalian sa convenience stores ay maraming asin.

Iba pa rin ang unprocessed at whole foods kung saan mas hahaba ang buhay natin at malayo tayo sa sakit.

Sodium at table salt magkaiba

Bagama’t ang “sodium” at “table salt” ay madalas na ginagamit nang palitan, wala itong parehong kahulugan. Ang table salt ay isang sangkap na kahawig ng mga kristal na sagana sa kalikasan. Ang kemikal na pangalan nito ay sodium chloride. Ang sodium ay isang mineral at isa sa mga kemikal na elemento na matatagpuan sa asin.

Muli, ginagamit ang sodium bilang isang sangkap sa pagkain tulad ng pag-cure ng karne, pagbe-bake, pampalapot, pagpapanatili ng moisture, pagpapahusay ng lasa (kabilang ang lasa ng iba pang mga sangkap), at bilang isang preservative.

Maging maingat din sa mga pagkaing hindi maalat pero mataas sa sodium. Tulad nito ay pastries at cereals. Kung madalas kang kumain nito, may dapat ka nang ipag-isip.